KABANATA 4

1250 Words
St.Carmen School Binabagtas ko ang corridor papasok sa aming building ngayong umaga nang mamataan ko ang grupo ng mga lalak na nakatambay  na siyang madaraanan ko. Malayo palang ay naagaw na agad ng pansin ko ang pamilyar na bulto ng katawan na nakahilera sa mga ito. Pansin kong siniko ng isang lalaki ang katabi nito dahilan para lumingon ito saakin at magtama ang mga mata namin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng biglaang bumalik sa aking isipin ang eksena nila ni Karen sa utility room kahapon. Damn it! Umiwas ako ng tingin at diretsong naglakad at nilampasan sila. "Lara!" Tawag pansin sa'kin ng isang hindi katangkarang lalaki. Tumigil ako sandali nang makita ko itong palapit sa'akin. "Ah, Lara—may nagpapabigay nito saiyo." Kamot nito ang ulo habang inaabot ang isang piraso ng papel. Wala sa loob kong hinila iyon at naglakad na muli papasok sa aking silid. Hindi na kasi bago sa'kin ang ganito. Palagi akong nakakatangap ng love letter coming from my suitors. Ngunit isa man sa kanila ay wala akong in-entertain. Hindi naman sa mapili ako pero wala sa kanila ang hinahanap ko sa isang lalaki Dahil isa lang sa ngayon ang gusto ko, at walang iba 'yon kundi si Rexon. Nang makapasok sa silid ay kay Karen agad natuon ang pansin ko. Tila nagbubulongan ang mga ito at bahagya lamang naantala nang dumaan ako. Wala akong imik na naupo sa aking silya nang kalabitin ni Terry. "Uy, Lara anong nangyari saiyo? Bakit parang namumutla ka?" Agad ko namang hinilamos ang  mga kamay ko sa mukha bago nagsalita. "Puyat lang ako kagabi." Mailap ang mata kong sinabi. "Naku, pinagpantasyahan mo nanaman siguro si Rexon ano?"  Tudyo nito sa'kin. "Hoy hindi ah!" Namumula ang mukhang tanggi ko. "Sus, kunwari kapa, eh kaya ka lang naman hindi nakakatulog sa gabi kakaisip sa kanya!" Panunukso pa nito. "Tumigil ka nga, baka may makarinig sayo," bulong ko habang pinandidilatan ito ng mata. "Oh! Nandyan na pala ung prince charming mo," balik nitong bulong sa'kin at nginuso ang pintuan. I held my breath as I watch him walks handsomely. His hair is kinda messy, halatang bagong paligo lang. Ang mga mata nitong pirmeng madilim ngunit nangungusap ay nagbibigay sa akin ng matinding kaba. Wala sa loob na napalunok ako habang sinusundan ito ng tingin. "Hi Rexon!" Biglang ang paglapit dito ng grupo ni Karen. Sumulyap ito sa nagsalita, saka nagkibit balikat lang bago ikabit ang headset nito sa kaniyang tenga bago pumikit. Gusto kong matawa dahil sa pagpapahiyang natamo ng mga ito mula kay Rexon. Karen turn around and stomped off her feet to her hair. "Buti nga sa inyo, " bulong ni Terry. Pinandilatan ko nalamang sya ng mata na siyang nag piecesign naman sa'kin. Umiling nalang ako dito ar tinapunan ng tingin ang ngayo'y nakapikit pa rin na si Rexon habang nakikinig sa kanyang headset. Ano kaya ang pinakikinggan n'y? Do he listen to his own music? Hindi maitatanggi na maganda talaga ang boses nito. Plus point nalang na gwapo ito at malakas ang charisma kaya talaga nababaliw sa kanya ang mga fans. "Hoy! Napapansin ko kanina kapa tahimik?" kalabit sa'akin ni Terry habang sumusubo ng french fries. Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng lunch. "Oo nga, bakit ba tahimik ka? may problema ba?" tanong naman ni Clara sa akin. "Siguro in-love ka ano?"Singit naman ni j**s na tatawa-tawa lang. "Ano ba kayo, hindi noh!" Sabay-sabay ko silang inirapan matapos ay itinuon ang tingin sa spaghetti na kanina ko pa hindi ginagalaw. "Weh, ano nga problema mo? Kanina pa kami nag ku-kwentuhan dito, tapos ikaw kanina ka pa rin tahimik d'yan." Tumaas na ang kilay nito sa'kin. "Wala nga.." Pagpupumilit ko, saka uminom ng juice na nasa harapan ko. Ngunit biglang na antala ang pagkain namin nang biglang umingay sa loob ng canteen dahil sa grupong parating. "Ang gwapo talaga nila!" sigaw ng isang babaeng malapit sa lamesa namin. "Logistic band I love you!" may sumigaw naman sa bandang kaliwa namin. Bigla naman ang pagtahip ng kaba sa puso ko nang makita ko si Rexon kasama ang mga kabanda nito. Hindi ko sila masisi kung bakit ganon nalang ang kilig nila pag nakikita ang grupo nila Rexon dahil halos lahat sila ay may Itsura, syempre si Rexon yata ang pinaka gwapo sa lahat. Naupo sila malapit sa lamesa namin at isa-isa namang lumapit ang mga fans nito para sana magpa-authograph pero pinigilan sila ng Isang babaeng hindi ko kilala kung sino. "Nandito sila para kumain, hindi para mag pa fan sign." Mataray na sinabi nito saka naupo sa tabi ng guitarista-ng nilang si Jeff. Pantaha ko'y isa ito sa mga P.A nila kaya todo gwardiya ito sa grupo. "Hmp ang sungit!" sabi nalang nito sa babae na tinaasan naman n'ya ng kilay. "Grabe ang lakas talaga ng dating ng mga 'yan ano?" wika ni j**s na nakapalumbaba nalang sa kanila at mukhang wala nang balak pang kumain. "Baka tumulo laway mo kakatitig, huh?" tudyo naman ni Clara dito. "Ano kaba minsan nalang makakita ng gwapo dito sa campus eh!" Irap nito. "Excuse me, hindi ko naman ipagpapalit d'yan ang Alex ko no!" Buwelta ni Terry matapos ay inirapan ang grupo nila Rexon. Ngumiti nalang ako sa kanila habang nagtatalo, lumingon ako sa grupo nila Rexon, tila pinagpawisan ako ng malagkit ng magtama ang mga mata namin. Shit! For all of the people in this canteen, bakit sa akin pa siya nakatingin ngayon? Hindi ako makagalaw habang nakatitig ito sa akin, bagay ikina-awang ng labi ko sa sobrang mangha. "Baka malusaw." Tulso naman  ni Terry na ikinabigla ko kaya mabilis akong nagbaba ng tingin. Nanglingonin ko itong muli ay kausap na n'ya ang mga ka grupo n'ya na bahagya pang nakangiti. ** Hapon na nang patungo kami sa last subject namin ng makasalubong ang grupo ng mga lalaki. "Si Lara!" Narinig kong bati ng isang lalaki sa'kin. Sinulyapan ko lang ang mga ito, ngunit ganoon nalang kumunot ang noo ko sa mga ito nang makilala ang isa sa mga lalaking nandoon. Tila namula ng husto ang mukha ko habang papalapit ako sa pwesto ng mga ito. Damn it! Buo na sana ang araw ko, bakit kung kailan matatapos na ang klase at ay saka pa ito nagpakita? "Oh Em, si Dawzon ba yon?" bulong sa'kin ni Clara na himdi mapakali sa tabi ko. "Hindi ko sya kilala.." mabilis kong sagot dito dahila para umarko ang kilay nila sa'akin. "Anong sabi mong 'di mo kilala? Eh enrollment palang nagkakilala na kayo!" Nagtatakang saad ni j**s sa'kin. "Diba kapatid 'yan ni Rexon? Yung bumuhat sayo patungong clinic?" sambit pa ni Clara na anong pihit sa kilig. "Oo nga, pero wala akong panahon kilalanin s'ya!" Mataray kong sinabi saka taas noong nilampasan ang grupo nila. *** "May practice daw ang logistic ngayon, tara nood tayo?" Aya sa'kin ni Clara matapos ang huli naming subject. Biglang nagliwanag ang mukha ko sa narinig. "May practice din ng Soccer sila Alex ngayon," sambit naman ni Terry habang nagpapahid nang lipstick. Lalong nagliwanag ang mukha ko dahil alam kong makakaligtas ako sa pagsamang manood ng boring na practice na 'yon nila Alex. Tumingin sa'akin si Terry bago magsalita, "Sige na mauna na kayo alam ko naman doon ang punta n'yo" Mataray na sinabi nito. Di ko mapigilang matawa sa reaksyon niya, "Eh, kung sumama ka nalang kaya sa amin?" Aya ko dito na maluwang ang pagkakaingiti. "Over my dead body! Ayokong makipag siksikan sa mga fans nila, isa pa mapanood ko lang si Alex my love okey na ako. Hindi ko na kailangan pa ng madaming kaagaw." Mabilis na itonfg tumayo at iniwan kami. "Ang taray!" wika ni Clara. "See you tomorrow!" Pahabol kong sigaw dito. Kumaway naman ito habang naglalakad na paalis. "Ano tara na?" ani Clara habng hila-hila ang baklang si j**s. Sabay-sabay na kaming tumungo sa covered gym para manood ng practice ng Logistic Band.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD