EARL felt so bad. Ilang araw na ang lumipas pero halata pa ring masama ang loob ni Vel sa kanya. Hindi na sila nag-aaway pero mula nang araw na iyon, madalas na lang itong tahimik kapag magkasama sila. Batid niya ang pagkakamali niya. Hindi dapat siya napangunahan ng galit. A part of him was blaming Jam for all of this . . . for losing his first love. And he knew that reason was unfair to Vel. Natatakot na si Earl sa nangyayari. His emotions were unstable. Ayaw niyang makita si Jam ni marinig ang pangalan nito. Umuusbong ang galit niya. Buong akala lang ni Vel ay nagseselos siya. Hindi lang niya masabi ang totoong dahilan niya. He was indeed worried about their relationship. Pakiramdam niya ay siya mismo ang sumisira nito. It felt like he was losing Vel step by step. He didn’t want that