CHAPTER 6

2374 Words
“AMICIA! Ipinapatawag ka na ng daddy mo. Kakain na raw.” From the reflection in the mirror, I saw the door of my room open and Taby enter. I’m sitting in front of my vanity table and combing my hair. “Kakain na raw!” Ulit na sabi nito habang naglalakad palapit sa akin. “Hindi ako kakain, Taby,” sabi ko. “Huh? Bakit naman? Hindi ka nag-meryinda kanina, tapos hindi ka rin kakain ngayon ng dinner?” I heaved a deep sigh and continued combing my hair. “I don’t feel like eating, Taby.” She stared at me for a few seconds, then sat on the edge of my bed. “May problema na naman ba?” tanong nito. Ilang segundong hindi ako umimik habang iniisip ko pa rin ang mga narinig ko kanina na sinabi ni dad. “Amicia! Alam mong nandito lang ako lagi kung may problema ka. Puwede mong ikuwento sa akin.” “I heard him earlier,” sabi ko. “Si daddy mo?” Malungkot na tumango ako at itinigil ang ginagawa sa buhok ko. Pagkatapos ay pumihit ako paharap kay Taby. “I heard what he said earlier to Natalie, Taby. He assured to her he would always prioritize spending time with her, regardless of his workload. But how about me, Taby? Why can’t he do that to me?” Kagaya kanina, hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko nang mag-init ang sulok ng mga mata ko. Sunod-sunod na namalisbis ang mga luha ko. “Is it hard to find a way for you to have time with your own child?” I started sobbing because I feel the pain and jealousy in my heart again. “Since mommy died, he has changed. I can’t even feel his love for me, just like before.” “Amicia!” Tumayo ito sa puwesto nito at naglakad palapit sa akin. Umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako habang ang isang kamay naman ay umangat papunta sa mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. “Huwag nang umiyak.” “But I can’t help myself, Taby. I feel sorry for myself, do you know that? I am his daughter, but why do I have to beg for his time? Bakit ’yong Natalie na ’yon... Isang sabi niya lang kay daddy na masaya siya kung magkasama sila, iyon agad ang naging sagot niya. Pero kapag ako, whenever I suggest spending time together, he consistently replies with uncertainty about his schedule. Mangangako siya sa akin na sabay kaming kakain, pero hindi niya tinutupad. How I wish kasama na lang ako nang mawala si mommy.” “Huwag kang magsalita ng ganiyan, Amicia.” “Pero iyon ang nararamdaman ko, Taby.” “Wala akong maisip na puwedeng maging dahilan ng daddy mo kung bakit niya ito ginagawa sa ’yo. Pero, magpakatatag ka lang, Amicia.” “I don’t think na kakayanin ko ito kung hindi na magbabago ang pakikitungo sa akin ni daddy, Taby. Maybe it’s better if I just leave. I’m sure he won’t look for me kung mawawala ako rito sa bahay kasi naka-focus na ang atensyon niya sa trabaho niya at kay Natalie.” “Kung aalis ka, saan ka nga pupunta?” “I don’t know, Taby.” I shook my head and wiped my tears that were still rolling down my cheeks. “Iyon nga ang inaalala ko, Amicia. Kung aalis ka rito at wala kang alam kung saan ka pupunta. Paano na lang ang magiging buhay mo? Magpapalaboy ka sa kalsada?” “I have money. ’Yong mga suhol niya sa akin. Naipon lang ’yon sa bank account ko. I think that’s enough for me to live alone.” Bumuntong-hininga ito nang malalim saka ko naramdaman ang masuyong paghaplos ng palad nito sa likod ko habang matamang nakatitig sa akin. “Amicia, please think carefully kung ano ang magiging decision mo. Bata ka pa. Alam kong hindi mo kakayanin mabuhay ng mag-isa lang. Kailangan mo ng may aalalay sa ’yo. At isa pa, paano ang pag-aaral mo kung aalis ka?” “It’s okay kung titigil ako sa pag-aaral, Taby.” “No it’s not okay, Amicia. Dalawang buwan na lang ay graduate ka na. Sasayangin mo pa ba ang pagkakataong iyon?” tanong nito. “Please, Taby! Help me! Ayoko na talaga rito sa bahay. Ayaw ko na makasama si daddy.” Yumakap ako rito at sa leeg nito ako patuloy na umiyak nang umiyak hanggang sa tumahan ako. Inayos ko ang buhok ko saka ako tumayo at naglakad palapit sa kama ko. “Hindi ka ba kakain?” “Ayoko! Wala akong gana.” “Pero kailangan mong kumain, Amicia. Masamang nagpapalipas ng gutom. Teka at kukunin ko na lang sa kusina ang pagkain mo. Iaakyat ko rito.” Hindi na lamang ako nagsalita para sagutin ang mga sinabi ni Taby. I know she will not listen to what I say either. Matigas din kasi ang ulo nito kumpara sa akin. Humiga ako sa kama ko at niyakap ang isang unan ko habang nakapikit ako. And later, I heard the door of my room opened, but I didn’t bother to open my eyes. Baka bumalik si Taby at nagbago ang isip na hindi na lamang nito kukunin ang pagkain ko sa kusina. “Sweetheart!” But I was wrong. It’s not Taby. Si daddy pala ang pumasok sa silid ko. I didn’t bother to open my eyes and just pretended to be asleep. Ayaw ko siyang makausap at makita. “Hey, sweetheart! Natutulog ka na? Hindi ka ba nagugutom? You need to eat, baby.” Hindi pa rin ako kumibo, hanggang sa naramdaman kong lumubog ang kama sa may likuran ko. Hudyat na umupo roon si daddy. At naramdaman ko rin ang paghawak nito sa braso ko. “Taby told me na ayaw mo raw kumain. May sakit ka ba anak?” Stop, daddy! Balikan mo na lang si Natalie! I don’t need you here. Just leave me alone. Gusto ko sana iyong sabihin, pero hindi ko na ginawa. Mayamaya ay narinig kong nagpakawala ng malalim na paghinga si daddy habang masuyo nitong hinahaplos ang braso ko. “I know nagtatampo ka sa akin ngayon. I’m sorry, princess. Busy lang talaga ako sa trabaho ko. But I promise, tomorrow night, we’ll have a dinner date. How’s that?” Nagmulat ako ng mga mata ko nang marinig ko ang sinabi nito. Pero hindi pa rin ako kumikilos sa puwesto ko. “I know you’re still awake, sweetheart. Alam ko ang paghinga mo kapag natutulog ka na or kung gising ka pa.” Sa puntong iyon, pumihit na ako paharap kay daddy. Ipinakita ko rito ang malungkot kung mukha. “Dad, please don’t make promises that you can’t keep,” I said. “The other day, you said you were coming home so we could have dinner together. But you didn’t come.” “I know, sweetheart. That’s why I’m saying sorry. So please forgive me, okay? Babawi ako tomorrow night. Is that okay?” Saglit akong tumitig sa mga mata nito. At kalauna’y hindi ko na rin napigilan ang tumango at tipid na ngumiti. Kahit papaano ay nakaramdam naman ako ng tuwa sa puso ko dahil doon. Sana lang talaga tuparin niya. “I’m really sorry, sweetheart.” Dumukwang sa akin si dad at hinalikan ang noo ko. “But you need to eat now.” “Yes, dad.” “Alright. I will leave your here at may tatapusin pa akong trabaho. See you tomorrow.” “Good night, daddy.” Nang makatayo na ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko, muli nitong ginawaran ng halik ang noo at pisngi ko. “Good night, princess. I love you.” “I love you, dad.” Nang makalabas si daddy sa kuwarto ko, saka naman dumating si Taby habang bitbit nito ang isang tray at may pagkaing nakapatong doon. “Galing dito ang daddy mo?” tanong nito. Umupo ako sa kama ko at inilapag naman ni Taby sa mga hita ko ang tray. “Yeah,” sagot ko. “Nagkausap kayo?” “He said sorry to me.” Ngumiti naman ito. “Iyon naman pala, e. So, huwag ka ng mag-isip na aalis ka rito.” “He invited me to dinner tomorrow night. Babawi raw siya,” wika ko pa. “Sana lang tuparin niya.” “Siya na mismo ang nagsabi sa ’yo.” “Let’s see.” “Siya sige. Kumain ka na at para matulog ka na rin mayamaya.” “SI DAD?” TANONG ko kay Taby nang dumating ako sa bahay galing sa school. Alas sais na ako nakarating sa mansion kasi nagpasama ako kay Tasya na magpunta sa mall at may binili akong gamit sa National Book Store. “Kaaalis niya lang. May pupuntahan daw muna siyang meeting,” sagot nito. “Pero inahabilin niya sa akin na tatawagan ka raw niya mamaya para sa dinner date ninyo.” Oh, again! Sinasabi ko na nga ba, e! And I’m sure hindi na naman tutupad sa promise niya si dad. Napabuntong-hininga ako ng malalim saka laglag ang mga balikat na naglakad papasok sa main door. “Amicia, huwag kang malungkot agad. Nag-promise ang daddy mo na saglit lang daw ang meeting niya.” Habang nakasunod sa akin si Taby. “He’s always like that naman. Ano pa ba ang bago, Taby?” “Mag-prepare ka na lang sa kuwarto mo para kapag tumawag ang daddy mo mamaya, ready ka na.” “Ayoko—” “Come on, Amicia! Huwag ka na mag-drama ngayon.” “Taby—” “Kukururin kita sa singit mo.” Pinandilatan pa ako nito nang lumingon ako rito. Pagkuwa’y yumakap ito sa braso ko at hinila na ako paakyat sa hagdan. Wala na akong nagawa. Half an hour passed when I received a call from daddy. “Magpahatid ka kay Joseph dito sa resto, sweetheart. I will wait for you, okay?” Hindi ko na napigilan ang mapangiti nang marinig ko ang sinabi ni daddy. “Okay po.” “Okay. See you, princess.” “Sabi ko na sa ’yo, e!” anang Taby sa akin. Ngumiti na lamang ako at tinapos na ang pag-aayos sa sarili ko. At pagkatapos ay bumaba agad kami ni Taby sa sarili. Naroon na si Kuya Joseph at naghihintay sa akin. After a short drive, we arrived at the restaurant that daddy told me about earlier. I was smiling ear to ear when I got down from the backseat, but when I saw him inside the restaurant with Natalie, the smile on my lips vanished as I stopped walking. Really? Akala ko pa naman kaming dalawa lang ang magdi-dinner ngayon. Pero bakit pati ang Natalie na ’yon ay kasama niya? Buntong-hiningang napailing ako at umatras sa halip na tumuloy sa restaurant. “Señorita!” Tinawag ako ni Kuya Joseph, pero hindi ko na ito pinansin. Patakbo akong lumayo hanggang sa hindi ko na namalayang nakarating na ako sa tapat ng isang bar. Kunot ang noo na tumingala ako para tingnan kung nasaan ako ngayon. I don’t know the place, pero naririnig ko mula sa nakaawang na pinto ang malakas na tugtog mula sa loob. May dalawang lalaki rin na malalaki ang katawan na nagbabantay sa pinto. Inayos ko ang sarili ko at naglakad palapit dito. Oh, God! I’m only seventeen. I know bawal pa ako sa mga ganitong lugar. But I hope they won’t ask me how old I am. Because I’m sure I will lie. “Good evening, Ma’am.” Ngumiti ako sa lalaking bumati sa akin. I thought at first ay hihingian ako nito ng ID, pero nagulat ako nang buksan nito ang pinto para sa akin. “Thank you!” Saka ako humakbang papasok. Mas lalo kong narinig ang malakas na tugtog at ang ingay ng mga taong nagsasayaw sa dance floor nang tuluyan akong makapasok. Wow! This is the first time I have entered this kind of place, so I have no idea what I will see inside. Ang daming tao na nagkakasiyahan at nagsasayaw. Sa gilid ako dumaan hanggang sa makarating ako sa may counter. Umupo ako sa high chair na naroon at nang makita naman ako ng bartender ay lumapit ito sa akin. “Good evening, Miss.” “Hi, good evening. Um.” Hindi ko maiwasang kabahan ng bahagya. “May I take your order?” Wait. Wala ba silang menu rito? Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Naghahanap ako ng menu or something na puwedeng magbigay sa akin ng pangalan ng drinks nila. Pero wala akong may nakita. Muli akong ngumiti sa bartender na nakangiti ring nakatingin sa akin at naghihintay sa sasabihin ko. “Um, Martini, please!” Iyon ang naalala kong binanggit sa akin ni Tasya nang nakaraan. “Got it!” Ani nito saka nagsimulang gumawa ng alak na sinabi ko. I actually don’t know what it looks like. Pero bahala na! Habang naghihintay ng order ko, lumingon ako sa paligid ko para tingnan ang mga tao. This is what the bar looks like. Lexie and Belle once invited me to go to a bar in BGC, but I didn’t agree because we were underage. I’m afraid. But now that I’ve entered here, it’s kinda fun din naman pala. “Here’s you order, Miss.” Muli akong napatingin sa bartender nang marinig ko ang boses nito. Nasa harapan ko na ang isang baso na may lamang alak at olive. “Thanks.” Dinampot ko iyon nang umalis sa harapan ko ang bartender. Habang nakatitig ako sa alak, medyo kinakabahan ako kung paano ko iyon iinumin. Pero mayamaya, naglakas-loob na rin ako. Pero hindi ko pa man tuluyang nadadala sa bibig ko ang baso nang magsalita sa tabi ko. “As far as I remember, you’re not allowed to drink that.” Kunot ang noo na napalingon ako sa tabi ko. And there, I saw him. “What are you doing here, Amicia?” “Are you stalking me?” sa halip ay balik na tanong ko sa kaniya. Aba! Nahahalata ko na ito. Lagi na lamang siyang sumusulpot at nagpapakita sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD