Ilang beses akong napalunok habang nakatingin kay Mr. Lima. Diyos ko! Hindi ko akalain na magiging palpak ang plano namin ni Hidelyn. Medyo napaurong ko. Hanggang sa napatingin ako sa taong kasama ni Lima sa mesa. Biglang kumulo ang aking dugo nang matatandaan ko ito. Ito lang naman ang ex-boyfriend ni Hidelyn. Kahit sa picture ko lang ito nakita ay nakatatak na ito sa aking isipan. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Pagkatapos ay gigil na gigil kong inangat ang aking paa at buong lakas kong sinipa ito sa sikmura, dahil kaya tumalsik ito. Balak ko pa sana itong lapitan nang may humila sa aking braso. “Kailangan na nating umalis dito…” bulong sa akin ni Hidelyn. Kaya naman mabilis na kaming sumakay ng kotse nang tuluyan kaming makalabas ng restaurant. Agad kong inalis ang balab