NAGISING ako na hindi ko maigalaw ang buong katawan. Para akong nakagapos ng mga oras na ito. Balak ko na sanang imulat ang aking mga mata nang maramdaman kong may nagbuhos sa akin ng tubig na malamig. Sa ultimong mukha ko pa talaga ibinuhos ang tubig kaya parang nalulunod ako at pupungas-pungas. Halos murahin ko talaga ang nagbuhos ng tubig sa akin. Agad ko na lamang iminulat ang aking mga mata. Kitang-kita ko ang mga taong nagtatawanan sa paligid ko. Parang tuwang-tuwa sila sa nakikita na nahihirapan ako. Sino ba ang mga demonyong ito, Bakit nila ako pinagtatawanan at parang minamaliit nila ako. “Carmela Vee--- Kamusta ka na ba ngayon?” Agad na nalipat ang mga mata ko papunta sa kaliwa at doon ko nakita ang mukha ni Saper. Nakangisi ito sa akin at para bang sinasabi nito na siya ang na