Nagkibit balikat na lang ako. Agad akong tumalikod para hindi ko makita ang pagbuhat ni Calyx kay Saper. Iwan ko na ba, pero nakaramdam ako ng selos sa dibdib ko. Dumaan ako sa likod ng bahay. Hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Agad kong ni-lock ang pinto. Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. Wala pa akong ligo. Basta na lang kasi akong lumabas kanina dahil sa mga nagsisigawan. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas. Tanging tuwalya lang ang tapisa ng katawan ko. Ngunit bigla akong umismid nang makita ko si Calyx. Nakaupo ito sa sofa habang may medicine kit sa ibabaw ng table. Hindi ko ito pinansin at isang matalin na irap ang binigay ko sa lalaki. Nakita kong umiling-iling ang lalaki. Hanggang sa tumayo rin ito. Mukhang lalapitan ako. Napansin ko na nakaligo