HANGGANG sa makita ang isang lalaki na balak akong barilin. Hindi ko alam kung magtatago ba ako o hahayaan na lang na mabaril ako ng kalaban. Hindi ako nakapag-isip ng maayos at parang umipad ang aking utak papunta sa kalangitan. Ngunit naramdaman kong may humila sa aking upang hindi ako matamaan ng bala ng baril. Naramdaman ko na lang na nandito na kami sa lupa at nagpapagulong-gulong. Ang isang kamay ni Calyx ay mahigpit na nakahawak sa aking beywang. Dinig na dinig ko naman ang mga putok ng baril sa buong paligid. Sa mga sandaling ito ay hindi ako natatakot lalo at kasama ko ang lalaking palaging nagliligtas sa akin. Nang huminto ang putok ng mga baril ay napatingin ako sa lalaking nasa ibabaw ko pa rin. Naramdaman ko rin ang isang kamay nito na nasa aking ulo upang hindi ako masaktan