Nanlalaki talaga ang mga mata ko habang nakatingin kay Manang Ogeng na mugto ang mga mata. Kung tama ang aking hula ay halos magdamag itong umiyak dahil sa pagkamatay ko raw. Parang nakaramdam ako ng awa. Dahil umiiyak si Manang Ogeng na wala namang dahilan. Mariin ko tuloy ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko naman puwedeng sabihin dito na ako talaga si Carmela baka hindi sila maniwala sa akin lalo sa aking mukha na mukhang halimaw. Agad akong lumapit kay Manang Ogeng upang magtanong dito. “Manang Ogeng, paano po nalaman na si Carmela ‘yon?” tanong ko sa babae. “Nahukay sa isang abandonadong lugar ang mga buto niya, dahil din sa mapang dala-dala na pinadala ng hindi kilalang tao kaya nalaman ito. Nandoon nga ang id ni Ms. Carmela at ang damit nito bago siya mawala… Gusto sanang m