HALOS maglupasay ako rito sa sahig nang umalis ang pulis na kausap ko. Gulong-gulo ang utak. Peste! Peste naman talaga, oh! “Carmela, patawarin mo ako dahil pati ikaw ay nadamay sa gulo. Hayaan mo ako na lang ang magpaliwnag kay Mr. Calyx…” bulong sa akin ni Geye nang lumapit ito. Agad akong tumingin kay Geye. Magkakasunod akong napailing sa aking kaibigan. Mali ang gagawin nito. “Hindi mo puwedeng gawin iyan Geye. Iba si Calyx. Ayaw kong mapahamak ka, ako na ang bahala sa kanya. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang sisihin huwag ka lang Geye…” bulong ko, ngunit bigla akong napangiwi dahil naramdaman kong sumakit ang ibabang labi ko. Oo nga pala nasuntok ito kanina ng pesteng babaeng ‘yon. “Malalagot din ako kina papa at mama. Ngunit kapag nakausap ko naman sila ay alam kong manin