Talagang hindi ako makagalaw dahil nawalan ng lakas ng mga binti ko. Hindi na rin akong nakapag-isip ng tama. Dahan-dahan ko na lang ipinikit ang aking mga mata dahil alam kong wala na akong ligtas, sapagkat dalawang kotse ang babangga sa aking payat na katawan. Isa sa unahan at isa sa likuran ko. Ito na ang katapusan ko. Wala naman akong magagawa kong kukuhanin na ako ni kamatayan. “Carmela!” Narinig ko ang malakas na boses ni ‘yon ni Calyx. Naramdaman ko rin ang paghawak sa aking kamay at parang hinila ako. Maramdaman kong gumulong ako sa lupa. Ngunit may mahigpit na braso ang nakapulupot sa aking beywang. Hanggang sa narinig ko rin ang sunod-sunod na putok ng baril na lalo kong ikintakot. Teka ano’ng nangyayari? Kaya naman ang huminto kami sa paggulong ni Calyx ay agad kong iminulat