(CARMELA’S POV) Bigla akong napabangon nang marinig ko ang mga putok ng baril na ‘yon sa labas ng bahay. Dali-dali tuloy akong bumaba sa kama. Pagkatapos ay agad kong binuksan ang pinto. Ngunit nagulat ako kay Sexies na nandito sa harap ng pinto ng kwarto ko. “Bawal ka pong lumabas at ‘yon po ang bilin ni lord Calyx---” At talagang hinarang nito ang katawan sa pinto upang hindi ako makadaan. “May narinig akong putok ng baril…” bulong ko sa babae. “Si Lord Calyx na po ang bahala roon, Ms. Carmela. Sige na po, pumasok po ulit kayo sa loob ng silid mo,” nakikiusap na sabi ng babae sa akin. Laylay ang balikat ko na muli akong pumasok at nahiga sa kama. Si Sexies na rin ang nagsara ng pinto. Ngunit dali-dali kong kinuha ang aking cellphone dahil may nagpadala ng minsahe sa akin. Lalo n