Dalawang araw ang nagdaan mula ng iligpit ko ang leader ng sindikato. Mukang walang bagong ipapaligpit sa akin si Bossing Namer kaya hindi ito pumupunta roon sa bahay. Panay lang ang buntonghininga ko habang nakatingin sa mga taong dumadaan at sa mga sasakyan. Hindi ko alinta ang usok ng mga sasakyan. Kasalukuyan akong nandito sa tabing kalsada pagtitinda ng lasones. Inako ko muna ang pagtitinda ng lansones ni Lola Oca. Lalo at masakit ang likod nito. Sayang naman kung hindi ko ititinda. Saka apat na puno ng lansones ang tamin ng matanda kaya talaga marami kong naiibenta ngayon. Matamis din ang lansones kaya hindi sila lugi rito o magsisisi na bumili sa akin. HANGGANG sa mapatingin ako sa kotseng huminto sa aking harapan. Hanggang sa bumukas ang bintana. Ngunit bigla ko yatang nalunok an