Kabadong-kabado ako ng mga oras na ito. Peste! Dahil palpak yata ang plan A na gagawin namin. Paano ba naman may nangyayaring digmaan sa loob ng lumang building. Agad tuloy akong napatingin kay Hidelyn at kitang-kita ko ang takot sa mukha nito. Agad ko tuloy hinawakan ang kamay ng aking kaibigan. Ramdam kong nanlalamig ito at nginginig pa. “Ayos ka lang ba, Hidelyn?” tanong ko rito at labis din akong nag-aalala rito. “Baka mamatay tayo rito Carmela. Mali yata ang plano natin na plan A. Ano’ng gagawin natin?” takot na takot na tanong sa akin ni Hidelyn. Nagsenyas ako sa aking kaibigan na huwag siyang maingay at baka may makarinig sa amin. Agad naman itong tumango sa akin. Ngunit mahina kong sinabi na kailangan naming pumunta sa malagong damo upang hindi kami makita ng mga naglalaban-lab