Dali-dali kong nailabas si Sexies. Agad ko itong dinala sa mga kasambahay na nagtatago sa likod ng mga halaman. Hinang-hina ang katawan nito at halos hindi makalakad. Sinabi ko kina Manang Ogeng na sila na muna na bahala kay Sexies. Kailangan kong alamin ang mga nangyari lalo at hindi pa tapos ang putok ng baril. Bago umalis dito ay inayos ko muna ang balabal ko sa aking mukha. Kinuha ko rin ant baseball bat na aking nakit. Hanggang sa nagpulot din ako ng bato. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang ko papunta sa mga taong nagbabarilan. Muli akong napatingin sa bahay ni Calyx. Talagang tuluyan na u***g tinupok ng apoy. KAWAWA naman ang bahay na ito dahil nadamay pa. Wala naman itong kasalanan sa mga gulong mangyayari kay Calyx. Iiling-iling na lamang ako. Hanggang sa nagmamadali akong pumu