Biglang umawang ang aking bibig dahil sa sinabi ni Calyx. Hanggang sa umikot ang mga mata ko sa buong paligid. At doon ko napagtanto na nandito kami sa madilim na parte ng bahay ni Calyx. Magkakasunod tuloy akong napalunok at kumabog ng husto ang aking lamang loob. Balak ko na sanang kumawala mula sa pagkakahawak nito sa akin, kaya lang ayaw akong binatawan ng matandang hukluban. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Mayamaya pa’y walang pasintabi nitong hinalikan ang aking labi ng mariin. HINDI ako nakapalag dahil hawak-hawak niya ako sa leeg ko at talagang ayaw akong bitawan ng matandang ito. Ramdam ko ang pagsipsip nito sa aking dila. Parang gusto yata ni Calyx ang lamunin ng buo ang aking dila tila ba sarap na sarap ito sa dila ko. Hingal na hingal tuloy ako nang iw