Tatlong araw pa ang nagdaan. Ngunit heto pa rin ako sa loob ng silid na ito. Sobrang dungis ko na rin. Nanghihina ang katawan ko dahil hindi ako halos pakainin sa loob ng isang araw. Kung papakainin man nila ako ay sunog ang kanin ang ibibigay sa akin minsan ay wala pang ulam. Ang tanging binibigay lang nila sa akin ay tubig. Kapag pumupunta rito si Saper ay grabeng pahirap ang ginagawa sa akin. Mariin ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamao. Kailangan kong gumawa ng paraan upang makatakas ako rito ayaw ko pang mamatay. Alam kong nag-aalala na si ate Trish sa akin ayaw ko itong ma-stress dahil buntis ito. Mayamaya pa’y may lumabas na namang luha sa aking mga mata. Halos isumpa ko si Saper. Makaalis lang ako rito ng buhay, babalikan ko ang babaeng ‘yong upang singilin sa ginawa niya sa akin