Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Natatawa na lang ako dahil sa kakulitan ni Hidelyn. Kung hindi ako iimik ay hindi ako titigilan ng babae lalo at makulit pa naman ito. “Huwag kany istorbo, Hidelyn. Natutulog ako. Saka ayos pa naman ako at buhay na buhay pa ako!” malakas na sigaw ko sa aking kaibigan. “Mabuti naman at nagsalita ka na. Sige na at ako'y aalisin muna!” Sagot din ni Hidelyn sa akin. Iiling-iling na lamang ako. Hanggang sa maramdaman kong tumabi sa akin si Calyx. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakatulog. Ngunit nang magising ako ay sobrang bigat ng aking katawan. Hindi rin ako makakilos dahil masakit ang aking bukangkangin. Sabay pa na lamig na lamig ako. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa akin. Para akong papel na nakalutang sa hangin. Ang tanging gusto