Agad na lumapit sa akin si Hidelyn. Pasimple rin itong kumindat sa akin. Mukang tuloy-tuloy na ang plano namin para sa plan B. Sana lang ay hindi na palpak. Lalo at wala pa kaming naiisip na plano sa Plan C. Agad niya akong pinaupo sa tabi ni Mr. Limang piso. Napansin ko rin na bakit nakausot pa ito ng maskara, eh, nag-iinoman naman kami. Tanging bibig at mga mata lang ang nakikita namin sa lalaki. Tumingin ako sa mata ng lalaki. Kulay blue ang mata nito. Kumpara kay Calyx na kulay brown. Pasimple tuloy akong bumulong kay Hidelyn. “Ngayon ko lang napansin ang kulay ng mga mata niya. Hindi yata siya si Calyx…” bulong ko sa aking kaibigan. “Maraming paraan upang mabago ang kulay ng mata, Carmela …” pabulong din na sagot sa akin ng aking kaibigan. Marahan akong tumango sa aking kaibigan.