HANGGANG sa napansin kong mabilis itong lumapit sa akin. Ngunit agad ko ulit kinuha ang isang upuan at buong lakas kong ibinato papunta kay Mr. Lima. Inis na inis ako sa pesteng ito. Ang sarap nitong patayin sa kagat. Kaunting-kaunti na lang at sasabog na talaga ako sa galit sa limang piso na ito. Mas lalo akong nasura nang makita ko na walang kahirap-hirap nitong nasalo ang upuang ibinato ko sa kanya. Walang habas din nitong ibinato sa malayo ang upuan. Mul itong nagpatuloy sa humakbang papalapit sa akin. Ngunit agad na umangat ang aking kamao upang suntokin ang lalaki. Pero parang hindi man lang ito nasaktan, aba! May sa bakal yata ang katawan nito. Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko dahil aabutin na ako ng lalaki. Hindi ko hahayaan na mahawakan ako ni Limang piso. Ngayon ay ang