Bigla akong napabusangot nang makita ko ang mukha ng lalaki. Nakatayo lamang ito sa bungad ng pinto. Medyo nainis ako dahil hindi man lang nito pinuna ang babaeng gurang na katulad din nito. UMINGOS na lamang ako rito, hanggang sa tuloy-tuloy na akong naglakad. Nang alam kong dadaan ako sa tabi nito ay mabilis pa sa alas-kwatrong lumayo ako. Ayaw kong dumikit sa balat ng lalaki lalo at may nobya na pala ito. Tuloy-tuloy akong pumunta sa likod bahay. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng pader. Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ko upang alam kung may tao ba na makakakita sa aking gagawin. Nang matiyak kong mawala kahit isang tao ay dali-dali akong umakyat sa puno. At walang kahirap-hirap na sumampa ako sa pader. Tumingin ako sa lupa na aking babagsakan. Hindi naman mataas ito, hindi