Bigla namang napahinto sa pagsasalita ang lalaki. Alam siguro nito na hindi maganda ang araw ni Calyx. “Sa susunod na lang tayo mag-usap Mr. Suwawa.” Sabay hila sa akin ni Calyx para makalabas ng restaurant. Wala akong nagawa nang tuluyan akong ipasok sa loob ng sasakyan nito. Huling-huli ko rin ang masamang tingin sa akin ni Aberna. Ngunit ngumisi lamang ako rito. Nang makarating sa tapat ng bahay nito ay agad akong bumaba ng sasakyan. Talagang mas nauna ako sa kanila dahil ayaw kong makasabay na maglakad ang dalawang gurang..l Pagdating sa aking kwarto ay agad akong naghubad ng damit ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo upang maglinis lang ng katawan. Medyo naiinis lamang ako. Dahil hindi man lang ako nakakain sa restaurant. Gutom pa naman ako.Kawawa tuloy ang mga alaga ko sa