IKULONG SI CARMELA

2627 Words

(Saper’s Pov) Tumingin ako kay Calyx nang sabihin ko ang aking hiling. Kitang-kita kong nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin. Mukang hindi nito nagustuhan ang hiling ko sa kanya. Para sa aking ay walang masama sa aking hiling. “Baka nakakalimutan mong nag-aaral si Carmela? Kung gusto mong kumuha ng mag-aasikaso sa ‘yo, kumuha ka sa bahay ninyo, ‘di ba marami kayong kasambahay, hindi ‘yong aabalahin mo ang tao na nag-aaral---!” Mariing sabi ni Calyx sa akin. Parang sumama ang aking loob sa mga sinabi ni Calyx. Talagang pinalungkot ko ang aking mukha upang pagbigyan nito. Saka, gusto kong si Carmela ang mag-aasikaso sa akin. Titiyakin ko na maghihirap ito sa aking mga kamay. “Calyx, puwede naman ‘yon kapag walang pasok o ‘di kaya ay kapag galing sa school, kaysa nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD