Gusto ko nang maiyak dahil kaunti na lang ay wala na akong pag-asa na mabuhay pa. Ngunit biglang nawala ang nakadiin sa aking mukha. Tanging unan na lang ang naiwan. Kasunod ang magkakasunod na kalabog na aking narinig. Para bang may ibinato papunta sa pader ng kwartong ito. Dali-dali ko tuloy inalis ang unan sa aking mukha. Hingal na hingal talaga ako. Ilang beses akong sumagap ng hingin dahil kinapos na talaga ako. Nang medyo naayos na aking paghinga ay dali-dali akong bumaba ng kama. Napansin kong may suot na ako na malaking t-shirt. Alam kong si Calyx ang naglagay ng damit sa aking katawan lalo at antok na antok ako kagabi. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Nakita ko agad si Calyx na patuloy na ginagulpit ang tanong balak akong patayin. Hanggang sa marinig ko ang pagmamakaawa ng