Nang lumubog ang aking mukha sa ilalim ng tubig dito sa loob ng bathtub ay pinilit kong hindi huminga upang hindi ako mapasukan ng tubig sa loob ng katawan ko. Kahit gusto kong ilabas ang aking mukha ay hindi ko magawa. Talagang sobrang higpit nang pagkakhawak nito sa akin. Hayop talaga ito! Ngunit hindi ko hahayaan na basta na lang akong mamatay nang ganoon-gaoon lamang. Bahala na nga! Kailangan kong gumawa ng paraan upang magapi ko ang aking kalaban kong demonyo. Kahit medyo nag—aalangan ako sa aking gagawin ay pinilit ko at naglakas loob pa rin ako. Hanggang sa buong lakas kong inangat ang aking paa upang yapakan ang paa nito. Kasunod ding ang buong lakas kong pagsiko sa tagiliran nito. Nang alam kong lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking buhok ay pinilit kong alisin niya ang kamay