Parang gusto kong maiyak habang nakatingin sa malaking salamin. Pakiwari ko tuloy ay aswang na ako dahil sa itsura ng mga mata ko. Ang masama pa’y dalawang mata ko ang may black eye. Kailangan ko pa lang magsuot ng salamin sa mga mata ko upang hindi makita ang black eye ko. Nakakahiya! Isang buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Hanggang lumabas na ako ng banyo. Dali-dali akong nagsuot ng uniform. Kinuha ko rin ang aking Shades at agad na inilagay sa aking mga mata. Naglagay rin ako ng lipstick sa mga labi ko. Pagkatapos ay dali-dali kong kinuha ang aking bag at agad na akong lumabas ng kwarto ko. Saktong bukas ko ng pinto ay siyang labas din ni Hidelyn sa kwarto nito. Nakita kong nakasuot din ito ng shades. At katulad ng nangyari sa aking mga mata ay ganoon din ito Gusto ko tuloy m