Naramdaman kong hinawakan nito ang aking kamay. Lalo at hindi ako nagsasalita. Tanging pagluha lang ang lumabas sa aking mga mata. Hindi ko mahawakan ang aking mukha dahil sobrang sakit nito dahil sa asidong sinaboy sa akin ni Saper. Parang ayaw ko nang humarap sa salamin kung sakaling mabuhay pa ako. Naisip ko tuloy kung ito ang aking kapalaran. “Patayin mo lang ako---“ Agad na lumabas sa aking bibig ang mga katagang 'yon. “Hanggang diyan ka na lang ba, Ms. Carmela? Hahayaan mo bang matalo ka ni Ma'am Saper? Lumaban ka Ms. Carmela. Alam kong matapang ka, kailangan mong balikan ang mga taong gumawa niyang sa ‘yo. Huwag mong hayaan na maging masaya siya habang ikaw ay naghihirap. Sige na Ms. Carmela. Umalis ka na rito. Heto ang pera, kuhanin mo ito.” Sabay lagay ng pera sa aking kamay. H