MABILIS kong inalis ang stick sa lalamunan ng babae at basta ko na lang pinalipad papunta sa isa pang laban na babae. Sapol na sapol talaga ito sa leeg. Hanggang sa halos sabay silang napaluhod at bumagsak sa lupa. Agad akong tumingin kay Manang Ogeng. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Agad ko naman itong hinawakan upang pakalmahin dahil nakikita kong natataakot na ito. “Marunong ka pa lang makipaglaban, Mela?” tanong ng babae sa akin. “Sa panahon po ngayon ay kailangan nating ipagtanggol ang mga sarili natin. Upang maiwas po ang ang nangyari sa akin na halos patayin nila at ilibing ng buhay---!” mariing sabi ko sa matanda. “Tama ka riyan, Mela. Sino kaya ang mga ‘yan?” biglang tanong ng matanda. Hindi ako nagsalita. Ngunit kung titingnan ay para kalaban talaga sila. Mayama