NGUNIT nakita kong tumayo pa ang isang babae. Galit na galit itong tumingin sa akin Nakikita ko sa mukha nito na hindi ito basta titigil hangga’t hindi ako napapatay. Pero hindi naman ako papayag na matigok na lang basta. At hindi rin ako magpapatalo rito. Nang sumugod ito papalapit sa akin ay agad akong kinuha ang sabon at buong lakas kong ibinato sa babaeng papasugod sa akin. Sapol na sapol ito sa noo. Ngunit kasabay nang pagabato ko ay ramadam kong may humampas ng padel sa aking likod ng dalawang beses. Ramdam ko ang kirot ng likod ko. Sa sobrang lakas noon ay talagang napaluhod ako sasahig. At talagang tumalsik ang dugo sa aking bibig. Halos hindi ako makahinga sa malakas na pagkakapalo sa aking likod. Ngunit napatingin ako sa pinto ng banyo na ito nang may malakas na pwersang tumul