Inis na inis ako kay Calyx habang pilit niya akong hinihila para umalis dito sa hapagkain. Hindi pa nga ako umiinom ng tubig. Tapos basta na lang akong hihilahin ng lalaking ito. Agad tuloy akong nagpumiglas upang bitawan nito. Ngunit sadyang malakas si Calyx. Nang malapit na kami sa pinto ay agad akong humawak sa hamba ng pinto. Upang hindi ako madala nito kung saan man niya ako dadalhin. Talagang naghilahan kami ng lalaki at lakas sa lakas ang laban namin ng matandang hukluban na ito. Nakakainis talaga ito. Ang sarap pasakan ng bibig. KAHIT anong sama ng tingin ko sa lalaki ay walang epekto rito. “Ano’ng nangyayari sa inyong dalawa? Kuya Calyx ano’ng ginagawa mo kay Carmela?” Sabay kaming napatingin kay Hidelyn. May pagtataka rin sa mukha nito habang nakatingin sa aming dalawa. My Go