‘Yung akala ko ay nasa tubig na ako, ngunit maling akala pala. Dahil naramdaman kong may humiklas sa aking beywang ay agad akong hinila. Tuloy-tuloy akong nahiga sa dibdib ni Mr. Lima. Ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Habang magkadikit ang mga katawan namin ni Limang Piso. Hayop ano bang nangyayari sa akin? Ngunit dali-dali nitong inalis ang suot ng jacket at agad na inilagay sa aking katawan na tanging bra at panty lang ang suot. Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting kilig. Kaunti lamang naman. Mga 5% lamang na kilig. “Huwag kang babangon, Ms. Carmela …” bulong ng lalaki sa akin. Medyo nagtataka ako sa sinabi nito. Ngunit ang kamay nito ay anaayos ang zipper ng jacket kong suot. Mayamaya pa’y agad itong kumuha ng baril. May narinig din ako na tunog mga bakang de motor na papalap