(SAPER’S POV) Hindi muna ako nagsalita. Naghintay ako nang sagot mula sa babaeng kaharap ko at pekeng si Carmela. Tama nga ako ng hinala tungkol sa mga magulang ko. May plano rin sina Mommy and Daddy kay Calyx kaya gusto rin nila na makasal kami. Sa aking pagkakaalam ay maraming perang nakatago si Calyx. Bukod sa mga bangko ay may mga pera raw ito sa labas. Ayon sa sabi ng Daddy ko ay may lugar na kung saan na roon ang pera ng lalaki. Ako naman ay walang pakialam sa pera. Ang tanging hangad ko ay si Calyx. Hanggang sa magsalita na ang babae. “Pasensiya na po, Ma'am. Ngunit hindi ko pa nalalaman kung na saan ang pera ni Lord Calyx. Saka nagtataka po ako. Di ba po sabi ninyo, may relasyon si Carmela at Lord Calyx. Ngunit kapag lumalapit ako kay Lord Calyx para ito ay hawakan ay nagagalit