Ilang beses akong napakurap ng wala sa oras. Parang naumid ang dila ko. Habang nakatingin kay Saper na ngayon ay panay ang agos ng dugo sa braso nito. “Calyx, huwag mong sabihin na hindi mo ipapakulong ang babaeng ‘yan. Pagkatapos niyang saksakin ang aking anak. Kung hindi mo gagawin ‘yon. Ako mismo ang magpapakulong sa kanya!” Galit na sigaw ng Ina ni Saper. “Huwag kang maniwala sa kanila Lord Calyx. Hindi si Ms. Carmela ang sumaksak kay Saper. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko na kung paano sinaksaka ni Ma’am Saper ang kanyang braso!” Napatingin ako kay Sexies na biglang sumulpot sa harap namin. “Hindi totoo ‘yan. Hindi gagawin ‘yon ni Saper!” Sigaw ng matanda. “Huwag mo nang ipagtanggol ang anak mo Ninang,” walang kangiti-ngiti na sabi ni Calyx. Pagkatapos ay agad nitong inutos s