(SAPER’S POV) NGUNIT isang magkakasunod na suntok ang binigay nito sa mukha ko. Gusto kong gumanti ngunit paano, eh, nakakadena ako. Naramdaman ko rin ang dugo sa gilid ng labi ko. Hanggang sa hawakan ni Carmela ang aking buhok nang mahigpit dahilan kaya napangiwi ako sa sobrang sakit. “Hindi mo yata matandaan ang sinabi ko sa ‘yo noon na babalikan kita, Saper. Hindi ka man lang natuwa sa muli nating pagkikita---!” At muli na naman akong sinuntok sa aking sikmura ni Carmela. Ngunit muli akong tumingin sa babae at matapang pa rin ang mukha ko. Hindi ako magpapadaig dito. “Malakas lang ang loob mo dahil nakatali ako. Lumaban ka ng patas Carmela!” sigaw ko sa babae. Ngunit malakas na tawa ang binigay nito sa akin. Hanggang sa ipag-utos nito sa mga lalaking nandito na pakawalan ako. Pasimpl