(CARMELA’S POV) Nagising akong parang basang-basa ang aking katawan. Balak ko sanang inangat ang aking ulo ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo. Masakit din ang aking ulo. Hanggang sa imulat ko ang mga mata ko. At doon ko napagtanto na dito ko sa tabing ilog at nakadapa. Kahit mahilo-hilo ay agad akong bumangon lalo at unti-unting lumalaki ang tubig. Napapansin kong mas lalong lumakas ang agos ng tubig. Dahil ba sa lakas nang agos ng tubig kaya dinala ako rito sa tabi ng ilog? Kailangan ko bang mag-thank you sa agos ng tubig ilog? Nababaliw na yata ako. Lumapit na lamang ako sa malaking puno upang maupo rito. Lalo at hilong-hilo pa ako. Hinawakan ko rin a ang aking ulo. Mukang malaki ang sugat ko. Nang tingnan ko ang aking palad ay nakita ko ang dugo. Malakas ang pagkakaumpog ng aking u