Hindi pa ako tuluyang nawawalan ng malay tao nang maramdaman kong may humila sa akin. Mayamaya pa’y agad na inilabas ang aking ulo sa ibabaw ng tubig. Panay naman ang aking pag-ubo dahil may pumasok nang tubig sa loob ng katawan ko. “Salamat---” Mahinang sabi ko. Tumingin ako sa mukha ng lalaking nagligtas sa akin walang iba kundi si Calyx. Napahinsin ko rin aking bag na nasa balikat nito. Natutuwa ako dahil hindi nito iniwan ang bag ko sa loob ng kotse. Muli ko na lamang ipinikit ang aking mga. Mayamaya lang ay tuloy-tuloy na akong nilamon ng karimlan at hindi ko na alam kung ano’ng nangyayari sa paligid. Ngunit ang mahalaga sa akin ay ligtas ako dahil 'yon kay Calyx. Feeling ko tuloy ay ito ang hero ko. (MR. ADROD’s POV) “Mga inutil--- Simple lang ang pinag-uutos ko sa inyo. Ang kuh