Bigla akong napangiwi nang tumama sa mukha ni Calyx ang unan na binato ko. Parang gusto ko na lang tumakbo papalabas ng kwarto nito upang pagtaguan ang lalaki, lalo at inis ito habang nakatingin sa akin. “Lord Calyx, pasensya na po. Hindi ko naman po sinasadya po, bakit ka kasi humarang---” “May galit ka ba sa akin, Ms. Lansones? Kaya binato mo ako ng unan, huwag ka nang magpalusot pa babae?” pasinghal na tanong sa akin ng lalaki. “Naku! Wala po Lord Calyx, pasensya na po talaga, saka hindi ako nagpapalusot po!” Magkakasunod pa akong napa-iling ng aking ulo. Ngunit aaminin ko na hiyang-hiya ako sa aking ginawa kay Calyx. Dali-dali akong tumalikod upang simulan ang aking gawain. Mabuti na lang at hindi na nagsalita ang lalaki. Hanggang sa marinig kong pumasok ulit sa loob ng banyo si