Ngunit imbes na umalis ito sa aking daraanan ay mas lalo itong humarang at talagang ayaw akong padaanin. Kaya lalo akong na inis sa lalaking hukluban na ito. “Sinabi ngang tumabi ka dahil dadanaan ko, lolo Calyx!” halos pasigaw na sabi ko sa lalaki. Ngunit parang bingi ito habang nakatingin sa akin. Talagang mas lalong hinarang ang katawan niya sa pinto para hindi ako makaalis. Parang gusto kong maiyak o ‘di kaya ay pagsusuntukin na lamang ang lalaki. Gigil na gigil tuloy ako habang nakatingin dito. “No way, Carmela!” mariing sabi ni Calyx. At wala naman lang kangiti-ngiti ang labi nito habang nakatingin sa aking mukha. “Hey, kayong dalawang, hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin kayo, kahit gabing-gabi na, ang ingay-ingay ninyo pa rin, puwede ba magpatulog naman kayo.” Sabay kaming