Episode 4: His Ex

1188 Words
Nandito ako ngayon sa paaralan kasama ang bago kong kaibagan na si Maori. Masaya ako na naging kaibigan ko siya, parehas kasi kami ng mga hobbies kaya madali lang kaming nagkasundo. Nakalimutan ko tuloy ang sinabi kanina ni Theo. “So ibig sabihin, lalaki ang kasama mo sa dorm?” Tanong niya at tumango naman ako. “Oo and the worst part, napakasama ng ugali.” Sabi ko sa kanya. “Anong pangalan ng guy?” Tanong niya at lumapit ako sa kanya para ibulong ang pangalan ni Theo. “Theo Carvalho,” Sabi ko at nagulat siya sa sinabi ko. Mukhang kilala niya si Theo. Alam ko na na pinakamayaman si Theo sa buong paaralan ngunit ano naman kung siya ang pinakamayaman? “Wow, swerte mo naman.” Sabi niya at napakunot naman ang noo ko. “Maraming nagkakagusto non and a lot of girls throw themselves at him. Matalino si Theo at tsaka senior na siya kaya plus point dahil mas matanda siya sa atin.” Sabi ni Maori. So graduating na pala ang lokong yun, buti naman para hindi ko na makita ang pagmumukha niya next year. “Kahit gwapo siya, sobrang sama talaga ng ugali Maori. Dinadala niya ang babae niya sa room namin. Wala talagang respeto!” Galit na sabi ko. “Sos hayaan mo na lang. Basta eto tandaan mo, huwag na huwag mong sabihin kahit kanino na roommate mo si Theo dahil magkakaroon ka ng maraming kaaway rito. Especially si Candice.” Sabi niya. Sino na naman ang Candice na ito? “Sino si Candice?” Tanong ko. “Ex ni Theo, classmate sila at tsaka sobrang sama rin ng ugali. Lahat ng babae ni Theo, inaaway niya at binubully.” Sabi ni Maori. “Paano mo naman nalaman ang lahat ng ito?” Tanong ko sa kanya. “May kapatid kasi akong obsessed kay Theo, Junior siya at lahat ng nangyayari dito ay sinasabi niya sa akin.” Sabi ni Maori at tumango naman ako. “Para palang palabas ang paaralan na ito, kompleto sa characters.” Sabi ko at natawa naman si Maori. Basta, gusto ko lang makaalis na sa room namin ni Theo para makapag focus na ako sa studies ko. I don’t want to be heard or seen here, I want to be invisible para mas focus sa studies at iwas parati sa gulo. ** Nasa canteen kami ngayon ni Maori, kumakain at napalingon ako sa isang magandang babae. Sobrang ganda siya at mukhang may lahi siya dahil sa beauty niya. Sobrang tangkad niya rin, parang model. She has a long and light brown wavy hair at morena ang kanyang balat ngunit sobrang ganda pa rin. “Ladies and gentlemen, she is the one and only, Candice.” Bulong ni Maori sa akin. Kaya pala naging sila ni Theo, sobrang ganda niya at parang siya ang babae na type ni Theo. “Ang ganda niya,” Sabi ko kay Maori at tumango naman ito. “Oo, may lahi yan. Half german.” Sabi ni Maori at tumango naman ako. Kaya pala sobrang ganda dahil may lahi talaga. “Pati si Theo may lahi rin, Brazilian ata or Italian.” Sabi niya. Bagay na bagay silang dalawa, parehong magaganda ang mga mukha ngunit pareho ring masasama ang mga ugali. Nakita ko si Theo na lumalakad papunta sa loob habang may dalang mga libro at kasama niya ang isa niyang kaibigan. Napatingin siya sa akin ngunit he acted like he doesn’t know me kaya hindi ko na siya nilingon pa. Sobrang sakit ng sinabi niya kanina. Nang matapos na kaming kumain ni Maori, nagpaalam muna ako at pumunta sa library para makapag study ng maayos. I grabbed my earphones and put them on my ears at nagpatugtog ng music. Nagbasa ako and I saw a familiar figure sitting far away from me. Nasa sahig kasi ako ngayon dito sa ibaba ng shelves nakaupo. Kinuha ko ang earphones ko and my eyes widened when I saw Theo reading a book. Hindi niya ako nakita kaya napayuko naman ako para hindi niya ako makilala. I saw a girl walking towards him at hinalikan siya. My eyes widened at agad akong tumayo at napatingin si Theo sa akin habang hinahalikan ang babae. He smirked at agad akong tumakbo palayo. Kailan ba ako makakanap ng peace sa paaralan na ito? Kahit saan, nakikita ko siya. I sighed and I glanced at the time at pumunta sa classroom namin for the next subject. Hindi kami classmate ni Maori sa subject na ito kaya nag focus na lang ako sa lessons. After the tiring day, bumili ako ng cake at chocolates para kakainin ko mamaya habang gagawa ng assignments ko. Nangiti ako habang bitbit ang mga ito. Kinuha ko ang aking susi nang makarating ako sa kwarto at binuksan ang pinto. Nakita ko si Theo na nagsusulat at hindi ko siya pinansin at nilagay ang mga chocolates sa kama ko ang cake sa refrigerator. Kumuha ako ng damit at nagbihis ako sa banyo. I wore a black oversized shirt at jersey shorts ng kuya ko dahil komportable ako sa mga ito. Graduate na ang kuya ko and he graduated here, nagpatayo siya ng sarili niyang negosyo noon at ako hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko if mag graduate na ako. Pumunta ako sa kusina at nagluto para sa dinner at nagluto ako ng pancit at bihon. I smiled nang maluto na ang mga ito at hinanda ko na ito sa mesa. I saw Theo walking in here and I glared at him. “Pahingi,” Sabi niya. “Ano ka siniswerte?” I ask sarcastically. Hindi siya nakinig ako kumuha ng plato. Kumuha siya ng pancit sa plato ko at inalis ko nag tinidor niya. “Ang damot, eh pancit lang naman yan.” Sabi niya. “Pancit nga lang, bakit ka kumukuha ha?” Galit na tanong ko at inalis niya ang tinidor ko at nagpatuloy sa pagkuha. I groaned in frustration at hinayaan nalang ang bwesit na manguha sa mga pagkain ko. Umupo siya sa harap ko at nagsimulang kumain. He moaned, “Masarap pa lang magluto ang baboy.” He said and smirked at me, tinignan ko lang siya ng masama at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na ang mga plato at nilagay ni Theo ang plato niya sa sink. “Ano ba, ikaw maghugas niyan.” Galit na sabi ko. “Ikaw na, nandyan kana eh.” Sabi niya at bumalik sa bedroom niya. I groaned in frustration at hinugasan na lang ang plato niya at padabog na nilagay sa cabinet. Tamad pa, masama pa ang ugali. Nakakainis. Nang matapos na ako sa aking mga gawain, kumuha ako ng tuwalya at damit at pumunta sa banyo. Bubuksan ko na sana ngunit nagulat ako nang bumukas ang pinto at napahangad ako nang makita ko si Theo na tuwalya lang ang nakabalot sa kanyang pang ibaba at wala itong saplot. I screamed and covered my eyes and he covered my mouth with his hands. “Pota ang ingay talaga ng baboy.” Naiinis na sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD