It’s been a few days since Theo and I kissed at iniiwasan niya ako these past few days and I am hurting. Siguro nandidiri siya dahil sa nahalikan ko siya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang halik namin, it was my first kiss. Minsan hindi umuwi si Theo dito sa dorm at minsan, lasing kapag umuuwi. Hindi ko na talaga maintindihan ang ugali niya. Hindi na rin kumakain si Theo sa mga niluluto ko and I don’t know why I am being sad. Dapat maging masaya ako dahil hindi na niya ako kinukulit ngunit iba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit. “Sabihin mo na kasi ang problema mo!” Sabi ni Maori sa akin. Sasabihin ko ba sa kanya na me and Theo accidentally kissed? I sighed and turned to look at her. “We accidentally kissed,” Mahinang sabi ko and her eyes widened. “What?” She asked in di