KABANATA 9

1523 Words
Sun's POV "Hmmm..." Napaungol ako nang may dumamping mainit na bagay sa aking noo. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakita ang pinaka-gwapong lalaki sa mga mata ko.   "A-Art..." Paos kong tawag sa pangalan nito. Hindi siya sumagot at kinuha ang isang basong tubig sa side table.   "Drink this," alok niya at inilapit sa akin ang baso. Tumango ako at uminom dito habang nakaalalay siya at pinapainom ako.   Iginilid ko ang mukha para sabihing okay na ako at ngumiti.   "Thank you so much for everything..." Kinikilig na sambit ko lalo na nang maalala ang nangyari.   Nangunot ang kaniyang noo pero tumango pa din ito at tipid na ngumiti saka tumayo mula sa puwesto.   Pinanood ko ito habang naglalakad palapit sa pinto at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makitang naka-full on pajama ito, kabaliktaran sa hubad at masarap na Art na nakita ko.   "What are you wearing?"   Napatigil ito sa paglalakad at lumingon para harapin ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa habang puno ng pagtataka ang mukha.   "I'm just going to get the soup and medicine downstairs. Kailangan bang nakaporma pa ako para doon?" Sarkastikong tanong niya.   Hayan na naman siya. Bumalik na naman siya sa pagiging sarkastiko niya.   'Huwag mong isipin 'yan, Sunny. Malay mo nahihiya lang din 'yan lalo na sa nangyari sa inyo,' bulong ng bahagi ng isip ko na nagpangiti sa akin.   "Why are you smiling like that?" Taas kilay niyang tanong at muling lumapit pabalik sa higaan.   Napapikit ako nang inilagay niya ang likod ng palad sa aking noo. Pasimple kong hinabaan ang nguso habang naghihintay na halikan niya ito ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang tanggalin niya ang kamay at pitikin ang nguso ko.   Mahina lang naman iyon pero sapat na para samaan ko siya ng tingin.   "Bakit mo pinitik? I'm waiting for your lips to touch it at hindi ang kamay mo unless..." May pilyang ngiti sa aking labi habang namumuo ang mahahalay na eksena sa aking isipan.   Mas nangunot ang kaniyang noo hanggang sa...   "Hahahaha!" Malakas ang kaniyang tawa na nag-echo sa buong silid. Hawak niya ngayon ang kaniyang tiyan habang namimilipit pagtawa.   "Hahahaha! A-Ano ba?" Huminga ito ng malalim para pakalmahin ang sarili saka tumingin sa akin ng direkta sa mata.   Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bumukas ang pinto at pumasok ang parents ko.   "What are you doing here, Mom?" Tanong ko sa kaniya saka lumingon sa katabi nito.   "...Dad?"   Nagkatinginan ang dalawa saka muling ibinaling ang atensyon sa akin.   "Well, nadidinig namin ang ingay dito mula sa baba. We just thought something's happening so..." Nag-pause ito at binigyan ng seryosong tingin sa Art.   Napataas naman ito ng kamay na tila sumusuko at humakbang papalayo sa akin.   "I didn't do anything." Defensive na sagot niya na ikinairap ko.   "Anong wala? You did kanina lang!" Giit ko dito at nag-cross arms sa harap nila. Pinanlakihan niya ako ng mata ngunit inirapan ko lang itong muli bago magsalita.   "You didn't kiss me when I was waiting for it!"   Dinig ko ang pagtawa ni mom sa gilid habang inaawat si dad na gusumot ang mukha. Natatawa ako sa sitwasyon dahil mukha kaming cute na pamilya at nag-aaway na mag-asawa.   Which we are hehehe.   "Why would you think I would kiss you?"   Nilipad ng hangin lahat ng happy thoughts nasa isipan ko kanina lang dahil sa sinabi nito.   "A-Ano?"   Bakit niya ako hahalikan? Well aside sa ASAWA ko na siya, hindi ba at nagawa na namin iyon kanina? So what's the point of asking that kind of question, hindi ba?   Kinuha nito ang baso sa bedside table at ininom ang natitirang tubig dito.   "Why won't you kiss me now gayong we even had s*x earlier?!"   Napabuga ito ng tubig at nagsimulang ubuhin nang masamid. Halos atakihin naman si dad kung hindi lang nakaalalay si mom sa kaniya.   "Sunny!" Suway nito habang pinanlalakihan ako ng mata.   "What are you saying?" Bulalas ni Art na nagpatigil sa amin.   "Wala ka bang maalala? Hindi ba dinala mo ako dito sa kuwarto and we made love? Come on, Art! Hindi mo kailangang mahiya sa kanila dahil mag-asawa na tayo!" Bahagyang mataas ang boses ko nang sabihin iyon.   Hindi ko maintindihan bakit niya kailangang i-deny ang nangyayari lalo pa at memorable iyon sa akin? Siya ang unang lalaki sa buhay ko at hanggang ngayon nga ay masakit pa din sa ibaba kung saan...   Napatigil ako sa iniisip at unti-unting ibinaba ang tingin sa aking katawan. Ipinikit ko ang mata at pilit pinakiramdaman kung masakit doon ngunit wala... Wala akong maramdaman.   Agad kong inihagis pababa ang kumot hanggang sa tumambad sa akin ang isang set ng pajama na tumatakip sa aking katawan. Sinipat ko din ang bedsheet at alam kong ito pa din iyong ikinabit ko noong nakaraan ngunit bakit?   Bakit walang dugo?   "I did not even touch you nor kiss you, Sunny kaya't hindi ko alam kung saan mo nakukuha 'yang pinagsasabi mo." Mabagal ang pag-iling nito saka ang malakas na pagbaba ng baso sa lamesa.   Nilingon ko sila mom and dad na may lungkot sa mga mukha habang tila disappointed sa akin.   "P-Paano mangyayari 'yon? N-Natatandaan ko lahat..."   Naguguluhan na ako! Ano bang nangyayari? Bakit parang napaka-against nila sa idea at hindi ako pinapaniwalaan? Anong proof ba ang kailangan kong ibigay para --   Napatigil ako sa pag-iisip at muling hinarap si Art ng magsalita ito.   "You were too sick last night dahil sa ulan at sa namuong infection d'yan sa paa mo. Iiwan na sana kita kagabi para maligo din sa baba but you just collapsed bago pa man ako makaalis."   Nabaling ang atensyon ko kay mom na lumapit sa akin at saka idinampi ang likod ng palad nito sa aking noo. Binigyan niya ako ng malungkot na tingin habang hinahagod ang likod ko.   "Art is right, Sun. Tinawagan niya kami kagabi at ibinalita ang nangyari sa 'yo. Masyadong malakas ang ulan at baha na sa mga main road but your dad insisted. Mabuti na lang at malapit lang din kami and totoo nga ang sinasabi niya." Nag-pause ito at binigyan ng nagpapaumanhing ngiti si Art na katabi ngayon ni dad.   "You were really sick that time so I'm the one who changed your clothes habang tumatawag sila ng doctor to check on you."   "Hon, we'll leave for a moment. Ikaw na bahala sa anak mo." May bahagyang diin sa tono ni dad na ikinayuko ko. Sinubukan ko itong tingnan ngunit nakalabas na siya kasama si Art hanggang sa naiwan na lang kaming dalawa ni mom sa loob.   "H-Hindi ko maintindihan, Ma..." Isinandal ko ang ulo sa kaniyang dibdib at nagsimulang umiyak.   Everything felt so real. Ang kilig, ang sarap, at ang sakit sa ibaba ay tila totoong-totoo. Ang pagiging mabait nito, ang guwapo niyang mukha at ang labi niyang napakasarap halikan.   Isang magandang alaala iyon para sa akin, lalo na ang ibigay ang sarili sa kaniya ngunit bakit ganoon?   Bakit... hindi totoo? -- "What you experience last night Mrs. Silvesa is called hallucination." Napa-pause ang doctor na kaharap ko habang kinukuha niya ang chart sa gilid niya at binasa ito sa akin.   "So upon checking your vital stats, mataas ang temperature mo and nearing convulsion already. Luckily naagapan ng first aid kaya hindi tayo umabot doon. Isa pa, I can see base from your last menstrual cycle that today is your ovulation day." Ibinaba niya ang hawak na chart at tumingin ng direkta sa aking mata.   "While on this phase, our memories seemed too vivid and the libido is at its highest peak. From what I can conclude, your high temperature plus your hormonal changes are the ones that triggered the hallucination, making you believe it’s real even though it’s not in the first place."   Tila nawalan ako ng gana sa lahat dahil sa nadinig. Nai-confirm niya lang naman na guni-guni ko ang masayang alaala na iyon at literal na hanggang alaala na lang talaga dahil hindi naman siya naging totoo.   "Thank you, doc. I'd like to rest now. Please close the door when you leave." Walang ganang sambit ko at isinilid ang sarili sa kumot.   Akala ko ay umalis na ito ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na sinabi niya.   "Sometimes, what we wanted to happen on reality projects to our dreams because it's the only way it could happen. Madalas nangyayari ito sa mga bagay na gusto nating makuha ngunit hindi mangyayari in the real world. Ang magagawa na lang natin ay either tanggapin ang masakit na katotohanan o hindi kaya'y... Ang patuloy na mamuhay sa kasinungalingan basta maging masaya ka lang."   Kanina pa nakalabas ang doctor sa aking kuwarto ngunit hindi pa din nawawala sa isipan ko ang sinabi nito.   'I wanted it to happen, so bad... Hindi lang dahil gusto kong siya ang mauna sa akin kung hindi ay ang pag-asam na mas maging malapit ito kapag ginawa na namin ang bagay na ginagawa ng mag-asawa...'   Napatulala ako sa kisame habang nag-uunahang lumandas ang luha pababa sa aking pisngi.   Ngayon alam ko na ang sagot sa sinasabi niya kanina and to be honest...   Mas gugustuhin kong mamuhay sa kasinungalingan dahil masakit tanggapin na hindi iyon mangyayari dahil hindi ako ang mahal niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD