KABANATA 43

1740 Words

Sun's POV Tulala ako ngayon sa pader habang pinag-iisipan din ang mga kaganapan kanina. Hindi ko na maintindihan kung ano pa ba ang gagawin o uunahing ayusin dahil masyado ng magulo ang lahat. Paano ko ngayon sasabihin kay Art na may nangyari din sa amin ng taong kinaayawan niya? Maiiyak din ba siya? Magagalit? Maglalasing katulad ng ginawa ko pagkatapos ending ay sa iba magpapainit? 'Tama lang ginawa mo, Sunny, quits lang kayo,' bulong ng isang bahagi ng utak ko at muling pinaalala ang pang-gagago nito sa akin. "Sun, mag-usap tayo." Napabalikwas ako ng bangon at naitaklob ng maigi ang kumot habang iniisip kung paano siya haharapin. 'Sht! Hindi ko pa kaya.' Tanging nasa isip ko. Ang daming scenario ang pumapasok sa isipan ko at natatakot akong bigla ko na lang maamin ang lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD