KABANATA 20

1094 Words

Sunny's POV Ilang linggo na ang makalipas nang makauwi kami galing Maldives. Ilang linggo na din kaming walang kibuan dito sa bahay.   Paano nga ba naman magkikibuan kung lagi siyang wala dito? Aalis ng sobrang aga at uuwi ng kung anong oras na -- o kung umuuwi pa nga ba siya.   "Bakit ba nangyayari ito sa 'kin?" Piping bulong ko at isinalampak ang sarili sa sofa at humilata doon.   Tulala akong nakatitig sa kisame habang nananatiling blangko ang isip. Gusto ko mang umiyak ngunit masyado ng pagod at tuyo ang mga mata ko para dito.   "Atleast hindi ka niya nasasaktan..." Napangiti ako ng malungkot sa reyalisasyon.   Totoo naman na ang huling pananakit nito sa akin ay noong nasa ibang bansa kami. Nang makauwi ay wala ng nangyaring pisikalan lalo at hindi ko naman siya naaabutan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD