Russel's POV "HELLO EVERYONE! My name is Russel Fernandez----" natigilan ako nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Edrick kanina bago kami umapak sa restaurant niya. "Ito ang tandaan mo, Nene. Walang makakaalam kahit sino na asawa kita. Hindi pa ako handang ipakilala ka. Isipin mong isa kang employee sa resto ko. Do you understand me?" Paulit-ulit na nag-flash sa isipan ko ang sinabi niya. Hindi pa siya handang ipakilala ako pero ako. . .handang handa na ipakilala siya sa buong Pilipinas. Hindi lang sa buong Pilipinas kun 'di pati sa universe, galaxy at planet yekok. Hinampas ko sa kaniya ang buhok ko. Este, hinawi ko ang aking buhok at naunang maglakad papasok sa loob habang nahihirapan naman akong ihakbang ang mga paa ko dahil sa taas ng heels na sinuot ko. Kaya natigilan ako sa pa