Russel's POV GABING-gabi na nang makauwi kami sa condo. Mga alas nuebe na kami nakauwi dahil dumaan pa kami sa isang restaurant para kumain ng hapunan. Nadatnan namin si yaya Beth nakahiga sa couch. Mukhang hinintay niya kami. Nagising naman ito nang marinig ang pag-uusap namin ni Edrick. "Kayo na po pala Sir, ma'am." matuwid itong tumayo pero mukhang antok pa. Humihikab pa eh! "Go to sleep, yaya. Thanks for waiting." iyon lang ang sinabi ni Edrick tsaka tuluyang tumalikod sa amin. Kanina pa siya walang imik. Hindi niya na 'ko kinakausap. Akala ko ba hindi siya galit sa 'kin? Hinalikan pa nga niya ako kanina sa labas ng department. Simula lang ng hiramin niya sa akin ang aking phone. Naiwan niya raw kasi ang kaniyang cellphone sa resto dahil sa kaniyang pagmamadali. Naging ganiyan na si