"Gagong Clyde! Patay ka sa akin ngayon." Bulong ko sa hangin pagkalabas ko ng Sheer Advertising. Madali kong kinuha ang phone ko sa bag at dinial ang numero ni Clyde.
"Oh, hello!" Masayang bati niya. Rinig ko ang boses ng fianceè niya sa background. Hayst! Naglalandian na naman sila.
"Why didn't you tell me about Sheer Advertising?!" Singhal ko sa kanya.
"Huh? Bakit ‘di ka ba natanggap? Gusto mo makipag-negotiate ako kay Silvestre para bigyan ka ng position? Wait, I'll call-"
"Hindi! Natanggap ako gago! Pero sadya bang siya yung CEO dun?" Tanong ko.
"Huh? Kilala mo si Silvestre? Di ko matandaan na pinakilala ko kayo sa isa't-isa ah?" Nagtatakang tanong niya.
Umirap ako. Mabibigla lalo 'to kapag nalaman niya ang 'nagawa' namin. Kinamot ko yung noo ko sa sobrang frustration.
"Wala ka talagang kwenta. Sige makipaglandian ka pa, mag-break sana kayo!" Sigaw ko sabay patay ng tawag.
Naglakad na ako papuntang parking lot at pumasok sa kotse ko. Binaba ko ang bintana. Good thing iniwan ni Manong ang kotse. I can think straight of what happened. Naglagay na ako ng seatbelt at unti-unting nahagip ng mata ko 'yung CEO na nakikipaghalikan sa katabi ko at hindi tinted na sasakyan. Gosh! Wala na bang kahihiyan 'to?
siya sa paghalik sa babae at tumingin sa direksyon ko. Pareho kaming napatigil sa mga ginagawa namin at nagkatitigan. Lumabas naman siya sa kotse at halatang bitin na bitin yung babae dahil nakahabol ang paningin nito sa lalaking papunta na sa direksyon ko.
"Enjoying the view?" Sarkastikong tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Ha?" Sagot ko nung mahimasmasan ako. Tinatanong niya ako kung nag-enjoy ako sa MOMOL nila?
"Nah, nevermind. See you, next week, Ms. Cepeda?" Ngumisi pa siya. Bakit ang perfect ng labi niya? Namula ako ng maalala ko na ang labing yan ang humalik sa bawat sulok ng katawan ko kagabi.
"Uhm, Yes, sir." Sagot ko.
Madali kong binuhay ang kotse ko at humarurot na paalis sa kahihiyan ko. Tiningnan ko siya sa side mirror at nakatanaw lang siya sa akin. Nang makaalis ako sa parking lot ay nakahinga ako ng maluwag.
__
"Dito po 'yung workplace ng advertising teams. Bale po twelve teams po kayong lahat dahil sa dami ng products na gusto magpa-advertise. So, for the meantime trainee pa po kayo at si Sir Lezter po ang team leader niyo." Sabi nung babaeng nag-aassist sa akin. Tinuro niya 'yung beking nakatayo at may hawak na folder.
Lumingon ito sa akin at sinuri ako mula ulo hanggang paa at tinaasan ako ng kilay. Ngumiti naman siya at kinamayan ako.
"Ako nga pala si Lezter. Balita ko si fafa Silvy ang nagpasok sa'yo ah? Magkakilala kayo? Taray!" Sabi niya at humalakhak.
Umiling ako. Tumaas ang kilay niya.
"Hmmm, bakit kaya niya ikaw pinasok kung ‘di kayo magkakilala? Baka naman, type ka niya. Hihihihi." Sabi pa niya.
"Hoy, Lezter! Baka gusto mong pa-upuin yung bagong teammate natin? Baka mangalay 'yan sayang kagandahan niyan." Sabi naman nung lalaking chinito na nakasalamin.
Pinaupo naman nila ako sa loob ng cubicle na nagsisilbing workplace ng team namin. Bale isang malaking table yun at share share ang bawat members para sa mga concepts na gagawin. Ginala ko ang paningin at nakita na lima pala kami sa team.
"Hello 'day! Welcome to #teampretty!" Sabi nung magandang babae na mukhang masungit pero wagas kung ngumiti. Napag-alaman kong siya si Toni.
Ngumiti naman ako.
"What's the name missy?" Tanong naman nung chinito kanina, si Jet.
"Hi, welcome! Bati naman ni Glecell yung babaeng cute size. Mukha siyang high school student pero may aura ng proffesionalism naman.
"Hi, ako nga pala si Therese. Therese Cepeda." Ngumiti ako sa kanila.
"So, may bago na tayong member sa #teampretty? So guys let's call her Tere!" Sabi naman ni Lezter at nagtanguan lahat.
Natahimik ang lahat ng table ng pumasok sa office namin ang isang makisig na lalaki. Nakakunot ang noo niya na para bang may hinahanap siya.
"Ayan na si Sir Silvestre. Ayusin niyo na trabaho niyo. Nakakatakot bigla akong nilamig." Pabulong na sabi ni Toni at bumalik sa computer niya. Umupo naman ako at nakibasa sa gagawaan namin ng commercials at ads.
Naglakad siya at lahat ng mata ay pasimpleng tumitingin sa kanya. Nakapamulsa siya at nakakunot na lumilingon sa bawat table. Nahigit ng mga kasama ko at paghinga nila ng bigla siyang tumigil sa table namin. Mas lalo kong sinubsob sa folder ang mukha ko. Pumasok siya sa cubicle namin at tinuro ako.
"You," napatingin ako sa paligid at tinuturo niya ako at nakatingin ang lahat sa akin. "Meet me at my office in 15 minutes."
Lumingon naman siya sa kabuuan ng office at naningkit ang mga mata niya sa mga empleyado.
"What are you looking at? Back to work, I do not tolerate incompetitiveness in this company." At mabilis siyang lumabas.
"Woooh! Akala ko mamamatay na ako sa pagpigil ng hinga ko." Sabi ni Jet at huminga ng malalim.
"Talaga bang di kayo magkakilala? First time niyang pumunta rito para tumawag ng empleyado eh. Dati lagi yung secretary lang ang tatawag dito." Sabi naman ni Glecelle.
"Hindi ah?" Tumayo na ako at inayos ang pencil skirt ko at umalis na. Umakyat na ako sa 6th floor. Lumapit ako kay Mr. Ron, ang secretary ni Sir Silvestre.
"Ah, Ms. Cepeda? Pasok ka na." Sabi niya at binuksan ang office door. Pumasok ako at nakita ko si Silvestre na nakaharap sa laptop niya at nakasuot ng salamin.
"Sir?" Kumatok pa rin ako.
Lumingon siya sa akin at minuwestra ang upuan sa harapan niya. Umupo naman ako dun at tumingin sa kanya. Tinagtag niya yung suot niyang salamin at bumaling sa akin.
"How's your first day? Are you okay with your team?" Tanong niya.
Tumango naman ako at pilit na tumingin sa mata niya.
"Yes sir. They're really kind and warm towards me." Kumbinsido siyang tumango at pinindot yung intercom niya.
"Ron, two slices of blueberry cake, a coffee and a juice for Ms. Cepeda." Authorative yung boses niya.
"Okay, sir." Sagot naman nito.
Bumaling siya sa akin at humalukipkip. Niluwagan niya rin yung tie niya at tinagtag yung unang dalawang butones ng long sleeve niya.
"How are you related to, Mr. Clyde Luna?"
"We're college buddies, Sir." I answered him and he nodded.
"Good." Sabi niya.
"Good? Huh? What do you mean by good, Sir?" Tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin at kasabay nun ang pagpasok ni Ron at ang paglapag niya ng pagkain sa table. Hinintay niya munang makaalis si Ron bago siya sumagot sa akin.
"Good. Coz' I thought I f****d my cousin's fianceè." He simply said habang hinahati yung cake niya.
Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Lumingon naman siya sa akin at pinunasan niya gamit ang kanyang hintuturo ang mukha 'kong may icing sa gilid ng labi ko at tinikman yun.
"Hmm, still sweet." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain sa cake niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Normal ba ang kalandian niya? Gusto ko siyang tanungin kung ano bang trip niya kaso baka unang araw ko pa lang sesante na ako.
Tumingin din siya sa akin at nahagip niya akong nakatitig sa kanya.
"Why?" He asked.
"Sir, what do you want? Why are you so generous to me? Is this because of what happened between us last week? Don't worry, sir. You don't need to be like this when you're around me." Straight kong sabi sa kanya.
Tumigil siya sa pagkain at medyo dumilim ang mukha niya. Humalukipkip siya at matiim akong tinitigan.
"Well, Ms. Cepeda. Basically, I'm not f*****g my employees. You're an exemption because I believe in your skills and it would be a lost to us and maybe it lessen my company's efficiency if I didn't hire you and somebody's company got you."
Huminga ako ng malalim. At uminom ng juice ko. Tinitigan niya lang ako at sumandal siya sa swivel chair niya.
"And please, do not feel special because we f****d last week. Ms. Cepeda, I almost f****d all the girls in the bar. And please shut your mouth about this matter, there's nothing special about it. You may go back to work." Tumayo na siya at lumabas sa office niya at iniwan akong nakatulala.Yeah, I assumed so much. We just f****d. No more, no less.