Maingay na dumulog sa hapagkainan si Clyde. Nagtatawanan pa sila ni Von tungkol sa napuntahan nilang party. Umupo sa tabihan ko si Sil at agad ko siyang nilagyan ng kanin. Nakatitig si Von sa ginawa kong iyon kaya't tumayo ako para lagyan siya at si Clyde. "Ano? Hindi ako lampa! Broken lang ako." Biro ni Clyde noong lagyan ko ng ulam ang kanyang plato. Hindi ako sumagot at sumalampak na sa aking upuan para kumain. Wala akong tinitigan sa tatlong kasabay ko. Busy sila sa pag-uusap. Minsan ay sinasali nila si Sil sa usapan. "Yung kaibigan niya talaga 'yong hot!" Tawa pa ni Clyde sa kumakaing si Von. Nginisian lang siya ni Von at bumaling sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagkunwaring busy sa paghihiwalay ng laman sa buto. "Eh, I heard na type ka raw