"Bye, thank you sa pagsama. Sa uulitin!" Sabi ni CG noong i-drop siya ni Von sa bahay nila. Nakaconvoy pa rin kami. Lumabas muna kasi sumasakit na ang likod ko sa maghapong pag-upo. "Gusto niyo magkape muna sa loob?" Tanong naman ng lumabas na si Sir Agape. Halatang kakauwi lang nito galing sa trabaho. Umiling kami. Marahil ang iba ay pagod na rin at wala ng iras para pumasok pa sa loob. Tumango naman siya at bumalik na sa bahay nila. "Let's go? Ihahatid na kita sa condo mo." Suhestiyon ni Sil ng makapasok si CG at makapagpaalam sa kanya. "Ah, hindi na." Pagtanggi ko sa kanya. Naisip kong pagod na siya at tutal narito na naman siya ay dapat na hindi na ako magpahatid sa kanya. "No, I insist." Pinatunig niya ang car alarm habang patuloy ang pagtang