Nagmamadali kaming bumalik ni Silvestre sa Manila. Hawak hawak niya ang aking kamay habang siya'y nagmamaneho. Hindi matagtag ang kanyang ngiti sa pagkakasundo ko sa kanyang subukang ayusin ang lahat kasama siya. "Are you hungry?" Tanong niya sa akin at muling hinalikan ang aking kamay. Hindi ko maiwasan ang pagngiti sa kanyang ginawa. "Hindi na. Nagmamadali ka diba?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya dahil tumawag si Ron sa kanya sa isang urgent meeting kasama ang major investor nila. Hindi na tuloy kami nakakain. "Yeah. But I'll find a way para makakain ka. Drive thru na lang tayo. You're my priority now, Therese." Parang hinaplos ang aking puso sa sinabi niyang iyon. Ako, priority niya? Kahit sinong babae ay madadala na noon. Tumigil siya sa Mcdo at a