Ika-limang Kabanata

1246 Words
    Mabilis ang lakad ko sa malawak na field ng eskwelahan kung saan nagaganap ang shooting ng ad na ginagawa namin. Dala-dala ko 'yung mga pagkain na tinake-out ko para sa buong group. Sinalubong naman agad ako ni Jet ng matanaw niya ako.     "Bilisan na natin. Mag-lunch na raw agad. Nakatanggap ng tawag si Sir Lez mula kay Ron. Bibisitahin daw tayo ni Sir Silvestre." Halos mabingi ako sa sinabi niya. Si Sir Silvestre? Namula ang mukha ko ng maalala ang nangyari sa amin nung nakaraang gabi.     "Undress me baby, and give me a steamy head." Bulong niya sa akin habang hinahalikan ako sa tenga. Ano raw? Steamy head? Napalunok naman ako. Bahala na nga! Kung nagkataon unang beses 'kong makikita 'yung alaga niya.     Lumuhod ako sa ibaba ng kama habang siya naman ay unti-unting ngumuso at umupo. Hinubad 'ko ang kanyang pantalon at nakita ko na ang kanyang buhay na buhay na alaga.     "Shit." mahinang bulong ko.      Kaya ko ba 'yun? Masyadong malaki. Mukhang susuko ata ako. Humugot ako ng hininga at binaba na niya ang kanyang brief at mas visible na ang handa niyang sandata.     Pinikit 'ko ang aking mga mata at handa na siyang bigyan ng kanyang gusto ng may tumawag sa kanyang cellphone. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. Ikinunot niya ang kanyang noo at parang bitin na bitin siya. Padabog siyang tumayo at pinirmahan ang document na kanina ko pang pinapaprimahan. Unti-unit siyang bumaling sa akin.     "Ms. Cepeda, here. Dress up and go to work. I have something to settle." Sabi niya habang sinusuot ang kanyang brief at sinagot ang kanyang telepono habang nagbibihis.     "Dad," bungad niya. Huminga ako ng malalim at pinulot ang aking nagkalat na damit. Napansin ko rin na sira ang zipper ng aking pencil skirt. Siguro ay dulot 'yon ng paghigit niya kanina.     "Yes, dad. I'll be home in 20 minutes. Okay, bye." sabi niya at lumabas na nung oras na matapos siyang magbihis.      Hindi rin naman ako nagtagal sa pagbibihis at sumunod na ako sa kanya. Nakaupo siya sa swivel chair niya at inaayos ang kanyang mga papeles at nilalagay iyon sa atache case niyang leather. Napadako sa akin ang kanyang tingin.     "Why are you holding your skirt?" sabi niya.      Umiling naman ako.     "Nasira po ata ang zipper, Sir." Mahina kong sabi.      Tumango siya at may kinuha sa drawer niyang partible.     "I'm sorry, I ruined your skirt. Here take this, I do not have much time. I need to be home. I'll send Ron first thing int the morning to buy you another one. Good luck to your team, Ms. Cepeda."      Lumabas na siya sa pintuan at iniwan ako roon. Halos mapamura ako ng makitang isang oras na ang nakalipas mula nung umakyat ako. Paniguradong sermon ang aabutin ko kay Sir Lez.     Maayos na naman na ang mga gagamitin sa pag-shoot ng ad. Medyo namomroblema lang kami dahil nasiraan raw 'yung van ng agency papunta sa location.     "Nako! Bakit ba ang fail natin? Inip na si Direk!" Sigaw ni Sir Lez.     "Matagal pa raw bago maayos 'yung gulong nung van e. Sumabog raw kasi, eh mahirap daw magcommute kasi punuan ngayon." paliwanag naman ni Glecelle habang pinapakita 'yung text message nung taga-agency.     "Ilan ba 'yung talents na kinuha niyo?" tanong ko.     "Twenty-five ata? Musical kasi 'yung ad na gagawin." sabi naman ni Toni.     "Saan daw nasiraan?" tanong ko habang tinetext 'yung driver ni Dad.     "Malapit raw sa Hyacinth Estates. Mga dalawang kanto mula roon." sabi ni Sir Lez habang pinapaypayan ang kanyang sarili. Tumango ako at sakto namang nagreply si Mang Abner.     "Ah, sige. Ako na bahala. Susunduin na lang sila ng mga company driver namin. Malapit lang pala sa bahay eh. Chill na muna kayo. Saka pakainin niyo na muna si Direk." Nakangiting sabi ko.     "Talaga? Naku, girl! Hulog ka ng langit." Tili ni Toni at good mood na ulit silang lahat. _     Makalipas ang tatlumpung minuto ay nagsimula na kami sa shooting. Dumating na kasi ang talents na hinihintay namin. Laki naman ang pasasalamat ng buong team kay Mang Abner. Ni-libre pa nga siya ng pagkain e.     "Okay, Cut!" sigaw ni Direk ng matapos 'yung isang portion ng ad na gagawin. Nagsimula na ulit magset-up 'yung mga staff sa next location nang biglang pumarada sa di kalayuan ang sasakyan ni Sir Silvestre.     "Nandyan na si Sir, kailangan bilisan na natin." bulong ni Glecelle kay Jet.     Nagbusy-busyhan naman sila para di makasalubong ang tingin ni Sir Silvestre. Tumingin na lang ako sa mga lalaking nagseset-up ng camera sa playground ng school.     "Ms. Cepeda, here." Nagulantang ako ng makita ang paperbag na inaabot niya. Automatic na tumingin ako sa mga kasamahan ko at laking pasasalamat ko ng si Toni lang ang nakakita sa binigay ni Sir Silvestre.     "Sir," mahinang sabi ko. "You don't need to buy me a skirt." Mariin niya akong tiningnan.     Hindi na siya sumagot at pumunta sa lugar kung saan naroon ang director at si Sir Lez.     "Ano 'yung binigay ni Sir?" tanong ni Toni.     Nag-iwas ako ng tingin at nilagay sa tabi ng bag ko 'yung paper bag, pero dahil dakilang chismosa si Toni kinuha niya iyon at binuklat bago ko pa siya masaway.     "Pencil skirt?" Nagtatakang tanong niya.     Bumaling siya sa akin at nanliit ang kanyang tingin sa akin.      "Bakit ka bibigyan ni Sir ng ganito?" tanong pa niya.     Umiling ako.     "Ah, kase nung umakyat ako kahapon sa taas sumabit 'yung pencil skirt ko sa silya sa office ni Sir."     Mukhang kumbinsido naman siya at hindi na muli nagtanong. Umalis rin siya sa tent namin dahil tinawag siya ni Sir Lez. Umupo ako at pinanood kung paano mag-shoot sa playground. Kinuha ko rin yung mga bottled water dahil mainit ang panahon at babad ang mga talent sa ilalim ng araw kaya paniguradong kanina pa sila uhaw.     Nakakuha na lahat ng tubig kaya bumaling ako kay Sir Silvestre na paniguradong naiinitan din. Hinubad niya ang kanyang coat at binuksan ang unang dalwang butones ng kanyang puting long sleeves.     "Ay, ang gwapo naman!" bulong nung isa sa mga talents na nakaupo malapit kay Sir Silvestre.      Naghagikhikan naman sila at hindi naman ito inintindi ni Sir. Lumapit ako sa kanila ni Ron at inabutan sila ng bottled water.     "Uhm, uminom muna po kayo. Kung may gusto po kayong kainin? Sabihin niyo lang po."      Ngumiti si Ron sa akin at tinanggap 'yung tubig. Nanatiling nakatitig si Sir sa akin. Tumaas rin ang kilay niya.     "Ayaw niyo po ba ng tubig? Sige po. Bibili lang ako ng maiinon niyo." Tatalikod na sana ako ng higitin niya ako kaya napaharap ako sa kanya.     "No need. This is fine." Mabilis niyang kinuha 'yung tubig at binuksan iyon.      Uminom siya habang nakatingin sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin at iginala ang paningin ko sa kabuuan ng eskwelahan.     "Ms. Cepeda," tawag pa niya.      Lumingon naman ako sa kanya at tipid na ngumiti.       "Po?"     "I hope na nagustuhan mo 'yung skirt. I do not know what's your type when it comes to skirt kaya binili ko 'yung tingin 'kong babagay sa'yo."     Nag-init ang mga pisngi ko. Tumango ako.     "Thank you po, Sir. Pero ‘di niyo naman po kailangan na ibili ako ng ganun. Hindi niyo naman po kasalanan na nasira 'yung skirt ko."      Hindi siya sumagot. Pinanood niya na lamang ulit ang shooting, may sinabi siya kay ron at nagmadali itong umalis. Kaming dalawa na lang ang naiwan sa tent.     "It's my fault, you know. I'm wild yesterday night. I can't help being impulsive whenever you're around me, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD