bc

love without a voice

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
possessive
CEO
drama
rejected
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sa mundo ng katahimikan umiikot ang buhay ni mariella.pinili niya na mag isa dahil sa takot na kanyang nararamdaman. takot siyang makipag kaibigan o mag karoon ng kaibigan.

tanging mababanag sa mata ng dalaga ay takot. takot na kutyain ng lipunang mapang husga sa kagaya.

dalawang tao lang ang kanyang pinag kakatiwalan ang lolo at lola nya.

pakiramdam niya siya ay pinag damutan ng kapalaran.

Ngunit ang kanyang katahimikan meron si ella ay babasagin ng maingay na mundo ni zandro.

pano makikipag laro ang tadhana sa kanilang dalawa.

chap-preview
Free preview
Untitled
alas kuwarto ng umaga nagising sila aling nena at mang mario para mag tinda sa palengke ng bayan. ito ang kabuhayan ng mag asawa sampung taon na silang kasal ngunit hindi sila mabiyayaan ng anak. sa madilim na parte ng kalsada ay may nakita silang isang bata na duguan agad nila itong tinakbo at tinignan. buhay pa ang bata kaya agad nila itong dinala sa isang maliit na klinika na pag mamay ari ng inaanak ni mang mario. napag alaman nila ang bata ay may mga natamong sugat sa ulo. may malalalim at mababaw na sugat rin ito sa braso at sa hita. ang mga paa nito ay marami din hiwa indikasyon na tumakbo ito ng malayo. napag disisyonan ng mag asawa na huwag na ipaalam sa mga otoridad ang ngyari sa bata. dahil sa alam nila na nanganganib ang buhay nito. unalis ang mag asawa sa probinsya at namuhay sa maynila kung saan may maliit silang bahay at tindahan. naging maayos naman ang pamumuhay nilang mag anak. ngunit sa kasamaang palad ang bata na kanilang inampon ay nabubuhay sa katahimikan kahit nakatira ito sa maingay na mundo. AFTER 13 YEARS " mario nag txt na ba ang anak mo abay alas otso na" pag papalala ni aling nena sa asawa na kakarating lang galing sa barangay para sa usapin sa street lights madalas paring inaanyayahan ito dahil dati itong kapitan ng barangay " nako nawala sa isip ko naiwan ko ang cellphone ko." nag mamadali itong pumunta sa tukador marami txt ang dalaga may misscall pa ito " tatay andito po ako sa 7/11" " tatay hindi po ako makaraan at may nag iinuman sa ginagawang gusali" " tatay aantayin ko po kayo rito.'" nag mamadaling lumabas si mang mario nag paalam ito sa asawa na susunduin ang anak tatlong oras na itong nag hihintay sa kanya sa convinient store. napadaan siya sa ginagawang gusali tama ang anak may mga nag iinuman nga mga trabahador sa gusali. " mang mario magandang gabi po" sigaw ni boyet " mang mario halina po muna kayo." pag anyaya ni luis lumapit si mang mario upang mapag bigyan sandali ang mga kalalakihan inabutan siya ng isang baso na may lamang alak. " mang mario si zandro po bago po siya dito." pag papakilala ni boyet sa binata " magandang gabi po mang mario" tumango namn si mang mario bilang sagot sa binata " oh sya mauna na ako sa inyo at susunduin ko pa ang anak ko. mag hinay hinay lang sa inom ha." bilin nito " opo mang mario wag po kayo mag alala behave lang po kami inom at kantahan lang pampalipas inip at pantangal pagod" bigay siguraduhan ni luis " nako mang mario natakot siguro si ella sa amin. paki sabi po wag po siya matakot at mabubuti kami dito." bida ni boyet " nako boyet si ella ko mailap sa tao dahil sa kanyang kalagayan kaya intindihin nyo nalang." saad ni mang mario nag paalam na ito at umalis na. nag madaling pumasok sa convenient store si mang mario nakita nito ang dalaga na nakupo sa isahang upuan nakatingin ito sa glass wall tinatanaw nito ang mga bata na nag lalaro sa labas. " ella anak " napalingon ang dalaga agad itong tumayo at nag mano sa ama. " pasensya ka na anak at naiwan ko ang cellphone ko sa bahay may meeting kasi sa barangay natakot ka ba?" bakas ang pag alala kay mang mario " ok lang po tatay hindi naman po." sumenyas ito sa ama nahakahinga naman ng maluwag si mang mario nakakarinig ang anak ngunit hindi makapag salita ito ang damage na iniwan sa bata dahil sa di pa nila alam na dahilan kung bakit ito duguan ng matagpuan nila. nag lakad na ang mag ama pauwi. muli nilang nadaanan ang mga kalalakihan na nag iinuman nag kakantahan na ito at nag gigitara. kumapit si ella sa braso ang ama habang padaan sila sa mga ito. hinawakan ni mang mario ang kamay ng anak upang itoy mapanatag. ZANDRO POV habang nag lalakad si mang mario at ang anak nito ay pasimple kong sinulyapan ngunit ang sulyap ay nauwi sa titig. sinundan ko na ng tingin ang mag ama. gusto kong makita ang mukha ni ella ngunit parang ipinag damot na ng dalaga na masilayan ko siya naka yuko kaya nahaharangan ng buhok niya ang kanyang mukha. may kahabaan ang buhok ni ella. may maliit na bewang at maganda ang hubog ng katawan may katangkaran din ito. " sr zandro baka naman mag ka stiff neck ka nya." biro sakin ni boyet ngunit hindi ko parin inalis ang aking tanaw kahit medyo may kalayuan na ang mag ama. " na love at unang tingin si sr zandro kay ell hindi na hiniwalayan ng tingin." sabat naman ni luis na ikinatawa ng lahat. " love at first sight ka nalalaman hindi ko nga nakita yung mukha." salubong ang kilay ko ng humarap ako sa kanila. " nako sir zandru kahit ako lelegawan ko iyang si illa napakanda kasi." sabat naman ni ambet na malakas ang kumpyansa sa sarili. " hoy ambet ikay nga mag lubay aba kung ako si ella hindi kita sasagutin panaglan ko palang hirap ka na bangitin ELLA hindi ILLA. baka ipahabol pa kita sa tatay ko ng itak pag sumulpot ka sa pintuan namin." pang aasar ni luis kay ambet dahil nadin sa matitigas na pag bigkas nito sa mga letra " sr zandro maganda talaga ang batang si ella siguro kaidadan siya ng pangalawa kong anak. yun nga lang hindi nakakapag salita si ella pipe siya pero sabi sabi rito ay nakakarinig naman siya. " pag kwento ni tatay julian isa sya sa matanda na katiwala. " kung gusto mo talaga makita si ella sr zandro magising ka ng maaga bago mag alas otso hinahatid siya ni mang mario papasok sa trabaho." si lito na may hawak ng gitara. naibalik ko ang tingin ko sa direksyon ng mag ama may kung anong pakiramdam ang humaplos sa akin na hindi ko rin mawari. maaga ako nagising upang abatan ang pag daan ni ella. nakatulugan kong iniisip siya ang iniisip ko at parang alarm clock naman ang mata ko na gumising na sobrang maaga halos wala pang liwanag ng mag mulat ang aking mata. " sr inaatay nyo talaga si ella ha.?" may nakakalokong bati saakin ni boyet " maaga lang talaga ako nagising boyet" pag kakaila ko. " nako sr wag na kayo mag kaila pa yung tingin nyo kagabi kay ella tingin yun. ng umiibig sa dami ng nag daan na dalaga kagabi kay ella lang napako ang tingin nyo." na paisip ako sa sinabi ni boyet " mag timpla ka nalang ng kape ng matuwa ako sayo." baling ko kay boyet ngunit di naman ito umalis sa tabi ko dahil dumating na si tatay julian na may dalang mainit na kape. nalibang ako sa kwento ni tatay julian napansin ko din na unti unti ng nag aayos ang mga trahabador. isa ito sa mapag kakatiwalaan. " sr zandro ayan ang iyung inaantay." sigaw ni boyet lumipad agad ang tingin ko sa dalawang tao na nag lalakad. habang papalapit ito saakin ay kinakabisado ko lahat ng ditalye ng itsura ni ella. hindi gaanong kasingkitan na mata, matangos na ilong bumagay ito sa hugis ng mukha ng dalaga. mapulang labi mas naisip ko kung ano ang pakiramdam ng halikan at tikman ang labing iyon. pisngi na mamulamula dahil sa sikat ng araw. " anghel na bumaba sa lupa" tulala kong sambit. " diyosa ng buhay ni sr zandro." napitlag sa biglang pag sasalita ni luis napalingon ako sa likuran ko nakita ang mga ungas na gaganda ng ngiti at sinusundan din ng tingin si ella. " trabaho na agaga puro chix tinitignan nyo" sita ko sakanila kakamotkamot ng ulo si luis at ambet. " sr kayo din eh nahawa lang kami." sabay takbo ni luis. binalikan ko uli ng tingin si ella medyo malayo na ito matiyaga kong itong hinatid ng tanaw. wala na sya sa paningin ko ngunit hindi parin nawala ang bakas nya sa mga mata ko. lumipas ang mag hapon lagi sumasagi saakin ang mukha ni ella ano bang ngyari saakin. parang gusto ko ng hatakin ang gabi upang pakita ko siyang uli. ELLA POV Being deaf and being mute are two different things. Some deaf people have good vocal skills, and some people who are mute can have good hearing. Some deaf people have never learnt to use their vocal cords properly and although they try, still have difficulty understanding them. hindi ko talaga matagalan ang mga mata ng mga tao nakatingin saakin. kakaiba oo kakaiba ako hindi ko alam bakit hindi ko ginusto. gusto kong maging normal kagaya nila ngunit alam kong walang himala. " tatay salamat po sa pag hatid" sign language yun ang paraan ng pakikipag ugnayan ko sa kanila. madalas my papel ako para isulat duon ang gusto ko sabihin. " anak wag ka masyado mag papagod, itxt mo agad ako pag susunduin na kita," hinalikan nito ang noo ng dalaga tumango namn si ella bilang tugon sa ama. " pareng Mario". napaligon ang dalawa nakalapit na pala sa kanila si mr del Fuentes. " pareng hector ikaw pala kamusta ka na." masaya itong binati ni mang mario. " eto pare tumatanda na hinatid mo pala etong inaanak ko." tumingin ito kay ella " oo pare mahirap na sa panahon ngayon lalo na sitwasyon ng inaanak mo." may bahid na lungkot sa salita ni mang mario. " sabagay nga pare pero pano maliligawan itong si ella kung lagi k nakabantay." biro nito " pare naman gusto nilang manligaw ay lalapit sila sa akin ng malaman ko ang tunay nilang intensyon sa anak ko at kung mapag kakatiwalan ba." tinapik nito sa balikat ang kaibigan na ikinatawa nila. sumenyas si ella na mauuna dahil baka mahuli na sa trabaho. " napaka sipag talaga ng inaanak ko." nakatingin kay ella si mr del Fuentes " pare salamat pala at nilakad mong makapag trabaho dito si ella ko." " ano ka ba pare anak natin ang turing ko diyan kay ella yung iba nga narerekuminda ko yan pakayang si ella. ano pang naging manager ako rito." nag paalam na si mr del fuentes kay mario. umalis ang ama ni ella na may ngiti sa labi. panatag ito na sa kumpanya na pinapasukan ng kumpare na punta si ella. matagal narin nag trabaho si ella sa montero company bilang . data entry operator masaya si ella sa kanyang trabho tangap siya ng mga kasamahan nya sa department na kinalalagyan niya. ngunit nadun parin ang mailap niya kaya ang kanyang mga kasamahan ay madalang din siya kausapin. " good morning ell eto na ang mga folder ikaw ng bahala dyan." malapad na ngiti sakin ni marie " sege salamat marie" isinulat ko sa maliit na papel ang gusto ko sabihin ganito ako makipag communicate sa kanila dahil hindi naman sila nakakaintindi ng sign language. " ella sumabay ka naman samin tuwing break ilang buwan ka na dito eh hindi ka namin nakakasabay." pag aya sakin ni marie . " may baon kasi ako pasensya ka na." hindi ako makatingin sa kanya ng diretso ganito naman ako hindi ko kaya tiganan ang mata ng mga tao tanging ang nanay at tatay ko lang. " ah ganun sege pero pag gusto mo sumama samin sabihin mo lang sakin promise masya kami kasama." tumango lang ako sa kanya nag paalam na din ito sa akin na babalik na sa pwesto nya. nag umpisa na akong mag trabaho ganito lagi ang routine ko. sa gabi naman ay inaabatan ako ng ninong kong driver naman ng jeep at ibinababa ako ito sa kanto ng lugar namin. susunduin naman ako ni tatay at sa umaga ihahatid ako dahil madalas hindi na ako naantay ni ninong felix.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
21.9K
bc

Luhod, Kagawad (SPG)

read
173.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
54.4K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
74.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Dare to love ME

read
65.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook